Chapter 04

37 5 0
                                    

Dumating ang sumunod na araw, Linggo, at pinayagan—hindi, pinilit ako ni Ate na lumabas at gumala, nakita ko nalang ang sarili ko na kasama si Rivera.

Kagagaling niya lang sa simbahan para sa second mass at kinita ko siya nang matapos iyon. I'm not a religious person, but I do believe in God. Sadyang hindi lang na-practice sa bahay ang pagsisimba tuwing Linggo kaya hindi ako nasanay.

Rivera wanted me to come, but I refused because I wanted him to have his own time with his family. Sinabi niya kasing kasama niya 'yung Mama at Ate niya.

"Ano'ng pet peeves mo?" Biglang tanong niya habang naglalakad kami papuntang isang karinderya.

Gustong pumunta nito sa mamahaling restaurants at kainan pero sinabi kong nagc-crave ako ng tapsilog kaya sumunod siya sa 'kin. I do have my own money.

Sabi niya ay siya raw ang bahala at ang gawin ko lang daw ay ang mag-enjoy. May pera naman ako, pero kahit yata sa pagsakay ng jeep ay hindi niya pinapalabas ang wallet ko. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao, kaya iniisip ko na lang na ginagawan ko rin ng pabor si Rivera dahil siya naman 'tong nag-aya sa 'kin.

Panatag naman ako na hindi ako lalasunin nito o ano'ng ikapapahamak ko, kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko nga rin alam kung bakit ako sumama rito. Binabawi ko na tuloy 'yung desisyon ko, sana sumama nalang pala muna ako kina Hailey. Kakausapin ko naman sila kung ano ang problema, e.

Para sagot sa tanong niya, kinuha ko 'yung cellphone ko at in-open 'yung camera saka ipinakita iyon sa kanya na naka-selfie mode.

"Ayan, pet peeve ko."

Gwapong-gwapo naman sa sarili niya si Rivera sa suot niyang kulay cream na pants, black na vest na may oversized na polo sa ilalim. Nakasuot din siya ng adidas Samba at may dalang maliit na bag.

Saglit pa siyang napanguso nang maintindihan ang ibig kong sabihin pero kaagad din siyang ngumiti sa camera sabay click ng capture button.

May virus na naman sa cellphone.

"Gumala lang ako dahil sabi ni Ate, para alam mo," paulit-ulit na sabi ko sa kanya.

He just shrugged. "Dapat ko palang pasalamatan ang Ate mo."

"Napilitan lang ako," sagot ko ulit.

"At least napilit ka." Ngiting-asong sagot niya at pumasok na nang makarating kami sa karinderya. Siya na mismo 'yung nag-order ng tapsilog at soft drinks.

S'yempre, ibang bagay na ang lunch kaya nag-presinta akong magbayad.

"Huwag na, ako na." Sabi niya at ngumuso pa. Parang isang kawalan ang hindi gumasto, gayong ang iba nga ay sobra-sobra ang pagtitipid.

"Ikaw lang ba ang kakain?" Pilosopong sagot ko at inabot sa kanya ang isang 200-peso bill. Hindi niya iyon tinanggap at tiningnan lang.

"Hindi. Kai, alam kong ayaw mong magkaroon ng utang na loob. But promise, kusa ko naman 'to," he said while looking deeply into my eyes. "Let me spend for you, okay? Saka, ipon ko naman 'to. MVP kaya ako palagi sa mga liga na sinasalihan ko."

Nag-yabang pa talaga.

Dahil masyadong intense ang paninitig niya ay nagpatalo na ako. Sakto ring dumating na 'yung pagkain namin kaya tumigil nalang ako habang ngiting-tagumpay ang lalaking 'to.

JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon