"Shit. Okay ka lang—"
"Huwag mong hawakan—"
"Aray!"
Napasapo ako sa noo nang halos magtalon-talon si Rivera sa sakit dahil parang tanga kasing hinawakan ang mainit na oven. Kung hindi ba naman talaga nag-iisip.
Kaagad siyang dumiretso sa sink at ibinabad sa tubig ang daliri niyang mamula-mula. Based on its look, mukhang hindi naman malala at daplis lang.
"Ang suwerte mo rin talaga, 'no?" Panunuya ko habang inasikaso ang sunog na pizza. Kasalanan ko rin naman, kaya tanggap ko nang bawas ito sa suweldo.
Lumabi si Rivera na mukhang iiyak na. "Mas inuuna mo pa talaga ang sunog na pizza kaysa sa kamay ko?"
Umikot ang mga mata ko sa pagdadrama niya. Mabilis ikong inayos ang pizza na nasunog bago lumapit sa kanya.
Binuksan ko ang isang cabinet at kumuha ng ointment mula roon. S'yempre, kusina naman 'to kaya hindi nawawala ang mga ganitong pagkakataon. Mabuti nga at kompleto ang mga gamit dito.
"Kamay," I ordered.
He took a deep breath before handing his burnt hand to me. Mukhang naging mabilis din ang pagbitaw niya kaya hindi ganoon ka-pula.
"Ayan, hindi kasi nag-iingat..." Pabulong kong sabi habang nilalagyan ng ointment ang kamay niya.
Hindi siya sumagot kaya bumaling ako sa kanya, na nakatingin lang sa 'kin. He looked at me with his soft and endearing eyes, as if he'd seen the whole world in front of him. His dark brown eyes had always been expressive as if they always wanted you to know something that words can't even decipher, so I'd know exactly what he was feeling.
"P'wede na masunog habangbuhay," he joked.
I scoffed.
"Huwag mo 'kong tingnan ng ganiyan," mababa pero may babalang sambit ko kaagad at iniwas ang tingin sa kanya.
Mukhang natapos na rin siya sa pagtitingin kaya natawa siya't bumaling sa kabila.
"Ako na ang magbabayad sa pizza," he offered. Umiling ako dahil hindi naman niya kasalanan iyon, magkaka-utang na loob pa ako.
"Huwag na."
He replied with a sigh because he knew he wouldn't win against me.
Nagpatuloy ako sa paggamot ng kamay niya habang nanatili siyang nagmamasid sa bawat galaw ko. Paminsan-minsan ay sa kamay niya siya tumitingin, paminsan-minsan ay sa akin.
"Magaan kamay mo," he commented.
I nodded. Iyon din ang sinabi ni Ate sa 'kin kapag nagpapagamot siya. O kung magkakasakit siya, gusto niyang ako ang mag-aalaga sa kanya kasi masarap daw akong mag-alaga lalo na sa mga may sakit.
"Mukha lang akong aggressive pero hindi naman masyado," sabi ko dahilan para matawa siya. "Huwag lang talaga akong inaasar."
He bit his lower lip to stifle a chuckle.
"Kai! Nasaan na ang—"
Napatigil si Ate nang makita kami ni Rivera. Sa sobrang focus sa paggamot sa kanya ay hindi ko namalayan na sobrang lapit pala namin! Kaya pala ngiting-tagumpay ang gago kanina pa.
I immediately stepped backward and pushed Rivera, but then it was his burnt hand that I shoved away. Napasigaw siya sa sakit.
"Puta—sorry!" Kaagad kong kinuha ulit iyon at hinipan na parang tanga.
Nakatingin pa rin si Ate pero hindi ko na binitawan ang kamay ni Rivera. Saka ko lang din naalala na hindi pa pala ako gumawa ng panibagong pizza.
"N-nasunog, Ate..." In a shaky voice, I said. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang magalit 'to, nakakatakot kasi masyado. Mukha lang siyang anghel sa labas pero huwag mo lang talagang subukan palabasin ang inner-self niya.
BINABASA MO ANG
JHS Series #2: If The Sky Falls [ON-GOING]
Genç KurguOpposites attract, Kalen Lake Rivera believes in that quote as he continues to pursue his undeniable attraction to his opposite, Kyce Louella Ventura. Kalen is a happy-go-lucky guy, and Kyce is not. Kyce is serious and formal, and Kalen is not. Kal...