[Jae’s POV]
Ang kapatid ko! Hindi p’wede ‘to… hindi na ulit nila nasagot ang next kong tawag sa kanila.
Death.. bantayan mo si Ria, utang na loob... hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa akin ’pag may nangyaring masama sa kapatid ko..
/flashback/
“Kuya,admit it! You’re selfish! You’re too selfish!”, sigaw ni Ria habang tinignan ako nang masama.“Ano bang ginawa ko?”,tanong ko.
Napasinghap na lang siya,“It’s up to you to realize what I'm talking about... you’re selfish.”
At naglakad sila ni Death palayo sa akin noong isang araw.
/end of flashback/
Patuloy lang ako sa paglalakad ko at hindi ako tumitigil, I need to find those kids. Pero napatigil ako at nagtago agad nang makita ko si Kemy na may mga dugo sa damit at mukha niya na naglalakad din. M...May kinalaman ba siya?
Pag-alis niya ay kaagad naman akong naglakad papunta sa ground floor but I’m regretting it right now, punung-puno ng bangkay dito. Ano ba ang nangyari!?
Bakit andaming namatay? Pero wala akong pakialam.. ang kailangan kong gawin ngayon ay hanapin sila. Kailangan kong hanapin si Ria at Death. Walang emosyon kong tinignan ang mga bangkay sa paligid ko.. wala si Ria at Death. Buti naman..
Hindi ko na alam ang gagawin ko ‘pag namatay ang dalawang ‘yon.. hindi ko na alam ang magagawa ko ‘pag nawala sila. Damn.
Nagtungo naman ako sa sa rooftop pero pagdating ko doon ay nahilo ako bigla at napaupo, nakarinig naman ako ng pamilyar na pagsigaw.. sina Ria...
[End of POV]
[Third Person’s POV]
Nang marinig ni Jae ang sigaw ng kapatid niya ay kaagad siyang bumaba ulit at pagtingin niya, nakaupo si Ria sa tabi sa pool kung nasaan ang isang bangkay ng isang estyudante na may saksak sa dibdib at wakwak ito habang nakalutang. Hindi mapigilan ni Ria ang paghikbi na dulot ng takot at agad na lumapit si Jae sa kapatid niya..
“R-Ria, okay ka lang?”,nag-aalalang tanong ni Jae sa kanya.
“K-Kuya...”,sambit ni Ria habang humihikbi.
Niyakap naman ni Jae nang mahigpit ang kapatid niya na walang tigil sa pag-iyak.
“I was worried sick,Ria! I..Ikaw na lang ang kasama ko at si Death.. alam mo ba kung gaano ako nag-alala?! Sa’n ka ba nagpunta!? Utang na loob. Don’t ever make your kuya worried again,Ria!”,mangiyak-iyak na sambit ni Jae
Napayakap lang si Ria pabalik sa kuya niya hanggang tumahan siya.. pinat naman siya sa ulo ni Jae at napasinghap.
“Kuya.. natatakot ako.”,saad naman ni Ria,“He fell.. naglalakad ako at hinahanap si Death tapos nagulat na lang ako nang may bumagsak mula sa taas..”
“Don’t worry, little sis..”,saad ni Jae at mas niyakap nang mahigpit si Ria,“I’ll protect you.. kuya will protect you ”
Inalalayan naman ni Jae si Ria hanggang sa makarating sila papasok sa loob at nagtago. Napansin ni Jae na napakatahimik ng buong paligid at hindi niya maiwasan na kilabutan sa buong paligid.
“Ria.. stay here. Hahanapin ko lang si Death,okay? Don’t do anything stupid,you brat. I’ve lost you once, I’m not gonna do that twice!”,saad nito kay Ria
![](https://img.wattpad.com/cover/19900546-288-k658082.jpg)
BINABASA MO ANG
Psycho: The Movie of the Damned
Mystery / Thriller❝ You're gonna like this play.. ❞ 'Yun ang nakasulat sa natanggap kong mensahe. Bakit bigla akong kinabahan? TWO WEEKS AGO... ©diabolicdeceiver (-ottokaji)