C8
[Nicole's POV].
Patapos na sana kami sa pagf-film nang biglang magkasigawan at namatay ang ilaw, rinig ang sigawan namin dito. Trina-try kong pakalmahin sila pero wala pa ding nangyayari, ayaw nilang tumigil. Napaupo na lang ako at ipinikit ang mga mata ko, bigla namang bumukas ulit ang ilaw.
Pero napasigaw ako nang ubod ng lakas ngayon lang, puno ng dugo ang buong lugar at ako na lang ang buhay dito. Lahat sila... patay na... hindi 'to p'wede. Bigla namang may pilit na bumubukas ng pintuan at sumigaw ulit ako...
"'Wag mo kong papatayin!",pagtili ko.
"Calm down, it's me.",rinig kong boses ni Jae na pumasok,"Thanks to Ria's unbelievable hearing ability, she tracked you down immediately. Umalis sila ni Death para puntahan si Shi pagkabukas ko ng pintuan."
Napasinghap lang ako at agad na niyakap si Jae habang umiiyak.. natatakot ako.. ayokong mamatay.. ayoko pa.
"Tahan na, we need to find the others.",saad naman niya.
"What if they're already...dead?",tanong ko naman.
"Trust me, buhay pa ang mga 'yon. Ang dapat nating alalahanin ay sina Shi...",pag-aassure niya kaya napatango na lang ako.
Nagtungo na kami sa kwarto kung saan nakaratay si Shi pero pagbukas namin, puro dugo na din ang paligid at ang mas masaklap...
"Nasa'n si Shi?",tanong ko at napatingin sa paligid.
Nasaan silang lahat? Bakit gan'to? Napayuko ako... si Kemy na nagtataray, si Shi na napakacold, si Zico na loko-loko, si Min na madaldal... si Astra na may pagkabaliw at 'yong kapatid ni Jae... bakit wala sila ngayon?
"Ria! Death! Ano'ng nangyari? Teka! Ano!? Wa---Fuck!",sigaw ni Jae
Tinignan ko siya,"Bakit?"
"S-Sila Ria... nasa peligro..."bulong ni Jae at nabitawan ang phone niya,"N...No way..."
Tumayo naman siya at sinundan ko lang siya, tinignan namin ang buong mansion pero puro dugo lang at bangkay ang nakikita ko sa ngayon.. walang katao-tao at medyo sira na ang mga ilaw dito. Nagtungo kami sa monitoring room kung nasa'n sina Zico at Min bago mangyari ang insidente kanina pero ikinagulat ko ang nakita ko..
'Yong computer, warak na at nagkalat ang mga videocam namin. Sa pader naman, may nakasulat gamit ang dugo..
'There's no way out so don't even dare to escape...'
Napaupo na lang ako sa sahig na puno ng dugo at napasigaw nang ubod nang lakas.
[End of POV]
[Shi's POV]
>//
"Kuya Shin!",sigaw ko nang makita ko siya.
Hindi ako makapaniwala.. nandito ang kuya ko. Siya ba talaga iyan? Di'ba kasama siya noon sa kotse na sinasakyan din nila Ria, Death at Jae, pansin na nakatingin lang siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/19900546-288-k658082.jpg)
BINABASA MO ANG
Psycho: The Movie of the Damned
Misterio / Suspenso❝ You're gonna like this play.. ❞ 'Yun ang nakasulat sa natanggap kong mensahe. Bakit bigla akong kinabahan? TWO WEEKS AGO... ©diabolicdeceiver (-ottokaji)