Chapter 3

1K 30 10
                                    

III. Danger

[Third Person's POV]

"Yehey!",rinig namang sigaw ni Jae ng kapatid niyang si Ria saktong paglabas niya ng bus at natawa nalang si jae sa inakto ng kapatid niya.

"Uy Ria! 'Dun na tayo!",sigaw ni Death at tumango naman na si Ria at nagtakbuhan sila papasok sa resort.

Naglalakad si Nicole nang bigla niyang mabangga si Shi na napaupo, napahiss nalang si Shi.

"Okay ka lang?",tanong ni Nicole at aalalayan sana niya nang winasik ni Shi ang kamay niya.

"Tss.",agad namang tumayo si Shi at naglakad palayo.

Pinapunta naman sila sa loob ng resort at halos namangha sila sa sobrang lawak at ganda ng resort.

"Welcome to Simpleton Resort.", sabi ng isa sa mga teachers nila,"So ang gagawin natin dito ay magf-film tayo ng isang mini-movie okay? Pero sadly, ang TEAM PRODUCTION natin which were Nicole, Astra, Jae, Shi, Zico, Kemy, at Min ay ang pinakatalented at pinakapassionate sa acting. Pero we wanted to give chance to others since baka sinasabi niyo na sila-sila nalang lagi. Di'ba?"

"YES SIR!", sigaw nilang lahat

"So ang theme naman natin ngayon sa mini-movie natin ay horror at thriller. So this includes gore and violence. Okay lang ba?",dagdag ng instructor nila.

Tumango naman ang mga estyudante.. ihinati sila sa bawat grupo na magkakasama sa mga kwarto. Napasinghap naman si Astra habang nakatingin nang masama kay Jae nang malaman niya na magiging kasama niya sa isang kwarto sina Shi at Jae.

"Bat ang malas ko!?",sigaw ni Astra at naghysterical,"Ayoko ka-roommate si Jae! ANO BA 'YAN!?"

"Bat si Jae ang ayaw mo? Di'ba dapat si Shi kasi napakaweird niya?",tanong ni Kemy at tinaasan siya ng kilay.

Napatingin naman si Astra kay Shi na nakaheadphones at hawak ang phone niya na parang may tinitignan. Napailing si Astra at tinignan si Kemy…

"He's not weird,Kemy. Sadyang may mga tao lang talaga na mahilog magtago ng sikreto at masyadong introvert. Mabait naman siguro 'yang si Shi 'no!", saad ni Astra.

Napasinghap si Kemy,"Really? Mukhang hindi naman eh! Tss."

"Eh kasi ikaw, nilalandi mo siya? Bawas-bawasan mo din kasi.", asik ni Astra kay Kemy

"Whatever.", at naglakad na si Kemy papunta kay Zico

Napatingin naman siya kay Shi na busy pa din sa phone niya kaya napangisi nang nakakaloko si Astra at napatingin sa likod ni Shi sabay tingin sa tinitignan niya sa phone niya. Pero napatigil siya nang may makita siyang isang litrato kung nasaan may kasama si Shi na isang babae at isang lalaki pero mukhang bata pa sila noon.

"Uy dre! Ano 'yan!?",sigaw ni Astra at agad namang napaatras si Shi at itinago ang phone niya,"Sino 'yung mga kasama mo?"

Napahiss nalang si Shi at tinignan nang matalim si Astra na nakangiti sa kanya ngayon

"Sino 'yung lalaki 'dun? Bestfriend mo? Sino 'yung cute na babae? Girlfriend mo?",tanong niya kay Shi na agad napaiwas ng tingin

"W-Wala...",bulong ni Shi at agad na naglakad palayo.

Napatingin naman si Astra at nagulat siya nang marealize niya na siya nalang ang nasa labas ng resort house

"UY SHI ANTAY!",sigaw ni Astra at sumabay na kay Shi sa paglalakad.

Psycho: The Movie of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon