VII.
The Conflict of the play
[Jae’s POV]
“Kuya! I’m dying due to boredom already! Kelan ba tayo makakauwi?! Tinatamad na ako! Walang wifi! Walang wifi!”, sigaw niya at nagdadabog na sa harap ko.
“Kumalma ka nga,Ria!”, pagpapakalma ni Death sa kanya
“Shut up,whacko! I need wi-fi!”, pagpapatuloy sa pagsigaw ni Ria kaya napairap na lang ako.
Wala pa ding malay si Shi hanggang ngayon, malapit nang matapos ang play ko.. kailangan na niyang magkamalay nang matapos ko na ‘to.
“Anyare nga pala kay Nicole?”,tanong ni Ria sa akin
“Ayun, sinisisi pa din ang sarili niya.”,I mumbled.
“Puntahan mo siya, baka kinakailangan ka talaga niya ngayon. Lalo na’t lahat sila galit ata sa kanya..”,sambit ni Death,“Ako na ang bahala sa abnormal mong kapatid, babantayan ko ‘to.”
“Walang hiya naman oh, mukha ba akong bata?”,sambit naman ni Ria,“Shoo! Mukha kang goby fish!”
Napailing na lang ako at agad na nagpunta sa lugar kung nasaan sila Nicole,kasama niya ngayon sina Min at Zico. Nakanganga ‘yong dalawa sa pinapanuod nila habang nakatakip ang kamay ni Nicole sa bibig niya. Ano ba ang pinapanuod nila?
“Ano ‘yan?”,tanong ko.
“Shit, sobrang realistic ng pagkakuha nila sa part na ‘to oh! Parang h..hindi fake blood ‘yong gamit. Sobrang galing,shit!”,sambit ni Min.
“Hindi ko inaasahan na gan’to sila kagaling! Ngayon, nasa conflict part na ang play so ipaghanda na natin ‘yong mga may role ng lead characters para matapos na tayo!”,saad naman ni Zico.
“Parang may mali...”,bulong ni Nicole.
.“Huh? Ano’ng mali?”
“Hindi ko alam..”,suminghal siya at napahawak sa mukha niya habang umiiling-iling,“Sadyang may mali lang talaga sa mga nangyayari.”
“Wala ‘yan.”,pag-aasure ko at tinignan siya habang nakangiti nang malapad,“Tara, maglunch muna tayo habang busy sila.”
“Min, Zico, kung may kailangan kayong i-edit para d’yan sa parts na ‘yan. Go on, magaling naman kayo d’yan eh. Magl-Lunch muna kami.”,dagdag ko.
“Hoy bilhan mo kami ng makakain! Kahit Lays lang oh!”,sambit ni Zico.
“Pati pizza at mogu-mogu para masaya! May mabibilhan naman dito sa resort no’n so ‘di mo na kinakailangan na magtravel pa papuntang Tralala world para makabili eh!”,saad naman ni Min.
Tinignan ko sila at itinaas ang middle finger ko, ano sila? Sinuswerte? Ngumisi naman silang at nagkatinginan bago tumingin ulit sa akin at tinaas din ang middle finger nila. Mga walang hiya..
“Bilhan mo kami ha!”,sambit ni Min.
“Go Jae, we cheer you!”,saad ni Zico.
Napasinghap na lang ako at lumabas kami ni Nicole para pumunta sa kabilang part ng resort kung saan may mabibilhan. Matinde kasi ang dalawang kupal na nandoon sa editing room namin, wala din naman binigay na pambayad sa pinabibili nila. Napatingin ako kay Nicole na nakaheadset, kahit kailan talaga! Napakacute ne’tong babaeng ‘to!
![](https://img.wattpad.com/cover/19900546-288-k658082.jpg)
BINABASA MO ANG
Psycho: The Movie of the Damned
Mistero / Thriller❝ You're gonna like this play.. ❞ 'Yun ang nakasulat sa natanggap kong mensahe. Bakit bigla akong kinabahan? TWO WEEKS AGO... ©diabolicdeceiver (-ottokaji)