VI. The Beginning of their lives' ending
---
[Kemy's POV]
Inaantay naman namin na magkamalay si Shi pero wala eh.. wala pa din siyang malay hanggang ngayon. It’s been days..
Tapos halis mangalahati palang ang movie, pino-forbid kaming umuwi ng teachers dito. Fuck them! ‘Pag may nangyari kay Shi na ‘di maganda, makikita nila ang ibig sabihin ng salitang “impyeno”, ayoko sa lahat ang napapahamak na ang mga kaibigan ko pero wala man lang akong magawa kahit me’ron akong p’wedeng gawin.
My life is almost perfect.. I have everything except on one thing, that’s a happy life.. I’m always miserable and I hate everything. Madaming may ayaw sa akin and they’re calling me names.. bitch, whore, slut, weird and even a jinx. So ano naman? Kinaunlad ko ba ‘yon? Lagi ko lang daw kasama ang mga lalaki at kung anu-ano pa ang pinagsasabi nila sa akin.
Pero wala akong pake, eh ano? ‘Di naman kasi nila ako naiintindihan eh. Hanggang panghuhusga lang sila.. they’re saying that I’m hooking up with Zico. Ugh, that’s no no! Ang pangit no’n ni Parekoy eh! Yuck lang! Ano ako? Walang taste? Half-chimpanzee at half-gorilla ang gagong ‘yon eh! Tanggap ko pa kung si Astra or si Shi.. yummy ang mga ‘yon! Hihihi.
I’m not a bitch, I’m just a girl who doesn’t want to be with other people who’ll treat me like shit.
Pero nang makilala ko sila Zico at Astra, nagbago ang pagtingin ko sa buhay. Kahit papaano, naging outgoing akong tao. Pero hindi mawawala ang pagiging maarte ko.. cause haters gonna hate and maartes gotta mag-inarte!
“Kemy? Okay ka lang?”, tanong sa akin ni Min
“Ikaw kaya ang magkaroon ng kaibigan na walang malay,Min? Ano’ng feeling? Masarap ba?”, sarkastiko kong sambit sa kanya at napapout lang siya.
“Alam mo? I have a weird feeling about this trip. At ayaw pa tayong pauwiin.. may kakaibang nangyayari eh.”, saad niya sa akin.
“Oh really? Ano naman ‘yon?”, tanong naman bigla ni Astra na naki-extra sa amin habang kumakain ng burger.
“Una sa lahat, si Jae..”,bulong ni Min,“Lagi lang niyang kasama si Nicole eh. Sunud naman ay ang pagkahulog ni Shi.. alam kong hindi niyo ‘to alam.. kaya nga sasabihin ko na eh, ayaw na ayaw ni Shi na kinu-kwento ko ‘to sa iba pero bilang kaibigan niya, mukhang kinakailangan niyo na din malaman kung sino talaga si Shi.”
Bakit? May hindi pa ba kami alam kay Shi? Alam kong napakamysterious niya pero ‘di naman namin siya pinipilit na ikwento niya ang ayaw niyang i-kwento.
“Noon, si Shi talaga ang isa sa pinakamasayahing tao na nakilala ko, lagi siyang nakangiti at lagi siyang nakikipag-usap. Napakarami niyang kaibigan at magb-bestfriends kami. Pero isang araw, may nangyaring masama... naaksidente ang sinasakyang kotse noon ng dalawa niyang bestfriend at nasilayan niya ‘yon. Nakita niya kung paano nawala ang mga kaibigan niya.. ang kaibigan namin. Simula noon, nagbago na siya. Hindi na siya nagsasalita at naging emo kid na ang hayop na ‘yan. Laging mag-isa.. pero syempre, madami siyang admirer pero iniiwasan niya ang mga ‘yon. Nag-iba na ang ugali niya, nagr-rebelde na din siya sa mga magulang niya. Everything changed on Shi because of that scene..”,saad ni Min at napayuko,“..Pero ako.. I know that our bestfriends are still alive.. To others, they are dead but for me, they’re still alive. They’re just presumed dead because they can’t find them. Someone already assured me that they’re just not here.”

BINABASA MO ANG
Psycho: The Movie of the Damned
Misterio / Suspenso❝ You're gonna like this play.. ❞ 'Yun ang nakasulat sa natanggap kong mensahe. Bakit bigla akong kinabahan? TWO WEEKS AGO... ©diabolicdeceiver (-ottokaji)