Chapter 1

92 4 0
                                    

Amira Dew Ylichvox

"Hoy Jackie! Give my cellphone back! Urgggghh!" Heto ako ngayon, hinihingal na dahil kanina pa kami naghahabulan sa kalsada, buti nga at wala masyadong dumadaan na sasakyan ngayon kundi baka kanina pa kami nasagasaan. Kainis kasi si Jackie! Kinuha yung cellphone ko, katext ko pa naman si ano, Um, si Gian. Oo na! Yung crush ko!

"Ayoko nga, habulin mo muna ako!" Tapos tumawa sya na parang witch. Abnormal talaga yon. Ako naman si shunga, hinabol nga si baliw. Kahit na pagod na pagod na ako, binilisan ko pa din. Syempre naghihintay si Gian ko ng reply ko!

"I'll gonna kill you Jackie! I swear!" Malapit na ko sa kanya, mga five meters nalang siguro then nag-turn right sya. Syempre lumiko din ako. "Here I com-- Ahhhhhhhh!!" Fckingholyshtttt! Totoo pala ang sabi nila, kapag mamatay ka na, parang nags-slowmo ang paligid mo. Yung tipong alam mong nakanga-nga ka nalang. Wala ka ng naririnig. Napapikit nalang ako ng aking mga mata sa takot. Eto na ba ang katapusan ko? At ang malala, sa isang manhole pa? Bakit kasi walang harang yung manhole na 'yon? Bakit dun nakalagay yung butas na 'yon! At Amira, bakit sinisisi mo pa ang manhole sa katangahan mo? Seriously, Luna, Mawawala ka na nga sa mundo ganyan pa pinagsasabi mo? Teka, bakit napasobra naman ata ang tagal ng pagslowmo ng paligid at hanggang ngayon ay wala pa rin akong pinagbabaksakan? Pero wait, parang hindi na ko bumabagsak. Pero hindi ko naman nararamdaman ang sahig.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,  kinakabahan ako sa nangyari, pero wala naman akong nararamdamang masakit sa katawan ko. So, ibigsabihin lang, hindi ako nahulog. Nakakaramdam na ko ng kakaiba. Kakabog-kabog ang dibdib ko ng pilit kong binuksan ang aking mata. Ganto ba talaga ang feeling 'pag nasa loob ka ng kanal?

"Ohhh-my-G." Namilog talaga ang bunganga pati ata mga mata ko. "What the heck happened?" Sabi ko sa sarili ko. Pakshet lang kase, mapapamura ka talaga sa ganda ng lugar. Baka nasa langit na ko? May forest sa langit? Ang astig naman!

"Gubat sa langit? Nababaliw ka na talaga Amira!" Pero kahit gubat sya, sobrang ganda nya, madaming bulalak na kakaiba, may mga giant flowers pa! Kumikinang at nagglo-glow pa silang lahat. Ang gaganda ng mga kulay nila, meron pa ngang color black.

Patay na ba talaga ako? Pero parang hindi eh! Eh bakit nakalutang ako? Di ba ang multo nagflo-float lang. Baka mul--- "Na-nakalutang ako?!" Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot kaya di na 'ko makagalaw. Ano bang nangyayari sakin. Di ko na alam ang gagawin ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil wala naman akong magagawa. I feel so hopeless sa lugar na 'to. Puro tunog lang ng mga halaman dahil sa hangin at huni ng ibon lang ang naririnig ko.

Nang medyo kalmado na 'ko, pigil-hininga kong sinubukang ihakbang ang mga right foot ko nagbabakasakaling makatapak ang sa lupa. "Yes! Sa wakas hindi pa 'ko multo!" Nakatapak ako sa lupa kaya hinakbang ko na din ang left foot ko. Kahit na naguguluhan pa ako kung paano ako lumutang at lalo na kung paano ako napunta sa lugar na 'to, naglakad-lakad na lang baka sakaling may makita akong tao sa paraisong ito.

"Tao po! Yooohooooooo! May tao ba d'yan?"

Mukha na kong ewan dito, ilang oras na akong naglalakad. Hindi naman ako nabobore dahil naaaliw din naman ako sa mga halaman dito, masakit na nga lang ang mga paa ko at nagugutom na ko. Buti nga wala pa 'kong na-encounter na mababangis na hayop. Kaya feeling ko kahit papaano, safe na 'ko.

"Putang-inaaaaaa!" Feeling ko lang pa 'yon! May kung anong nangagat sa binti ko!

Pag tingin ko sa binti ko, may nakadikit na dahon with stem na nakatamin pa sa lupa. Tatanggalin ko sana ang dahon ng biglang--

"Anak ng dahon ng kabayo!"

Biglang gumalaw yung dahon! At pagtingin ko, may matatalim na ngipin na puno ng dugo mula saakin yung dahon! Biglang nagform ng smile na pa-ngisi yung mga ngipin ng dahon. Naghukay sa lupa pailalim habang tinititigan ko yung dahon hanggang mawala na sya sa paningin ko kasabay ng pagdilim ng paligid at pagkawala ng aking malay.

-

"Uhg." Ungol ko nang maalimpungatan ako dahil medyo nakikiliti ako sa binti. "HA-HAHA-HAHAHAHA" Napatawa na ko dahil malakas talaga ang kiliti ko.

Pag tingin ko sa binti ko, may isang cute na hugis bilog, may fluffy at makapal na balahibo, may tenga na katulad ng sa rabbit at may kulay red at blue na mata! Dinidilaan ang sugat ko kahapon na ngayon ay halos wala ng bakas.

Kitang-kita ko kung paano nawala ang scars! Para bang nagfast forward yung sugat at gumaling agad! Uupo sana ako at hahawakan ang whatever-animal-it-is ay biglang syang tumakbo.

"Sayang! Ang cute pa naman noon! Di man lang ako nakapagthank you kahit di naman sya sasagot dahil isang hayop 'yon at pinagaling lang naman nya ako--" Napahinto ako sa pagka-usap sa sarili ko ng marealize ko ang nangyari sa sugat ko.

"Where the heck I am? Nasa Earth pa ako?"

Pagkatapos kong mangmuni-muni ay tumayo na 'ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Umaga na pala, parang kanina lang lulubog palang ang araw." At gutom na gutom na ako.

Pinilit kong maglakad hanggang sa may maaninag akong kalsada. Dumeretso ako papunta doon at nasurprise ako sa bumungad sa'kin.

"Wow." What do I expect? May gubat nga silang mala-paraiso na may gumagalaw na halaman eh.

Isang malaging Gold Gate lang naman ang bumungad saakin, yung parang heaven's gate sa mga pelikula at sa magkabilang gilid nito ay matataas na pader na puno ng mga halaman.

Wait, take note, Gate ito na walang bukasan. Hindi nabubuksan. Ang non-sense naman ng gate na 'to. Yung totoo?

"Hi Miss, bago ka dito?"

---------
Hello! First time. Hahaha. Gawa ng boredom. Inspired sa Lost Academy :D

White Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon