Amira Dew Ylichvox
Tinititigan ko lang ang Gate na walang bukasan nang biglang may nagsalita mula sa gilid ko.
"Hi Miss, bago ka dito?"
Lumingon ako mula sa pinanggalingan ng boses. Napatitig lamang ako babaeng may mahabang buhok na may kulay ng iba't ibang shade ng blue. Hindi ko alam kung bakit natutulala na lang ako bigla. Hindi man lang ako makapagsalita sa harap nya.
"Staring is rude Miss" Tapos ay ngumiti sya sakin. Ewan ko ba kung bakit, pero bigla nalang ako napayakap sa kanya.
"Sa wakas! May nakita na rin akong tao! thank you at dumating ka! mababaliw na kase ako! Ay mali, baliw na pa talaga ako! Naligaw kase ako sa gubat. tapos grabe kase ang mga nangyari sa'kin sa gubat. sobrang lawak lang ata talaga ng imagination ko. Ang astig pa nga eh, may nakita akong gumagalaw na halaman! di ba ang cool? pero nangangagat sya!" Tumigil ako sa pagkwe-kwento kase mukha na syang natatae na ewan pero nakatitig lang sya sakin.
"Um, Ate, Okay ka lang ba?"
"Ah. Yeah. Sorry. Ano nga 'yon?"
"Ate. Nga pala, kakapalan ko na na mukha ko ah?"
"Sure, go on." sabi n'ya.
"Ate, kasi natrap ako sa gubat, madami kasing nangyari sakin. Tapos simula kahapon pa ako hindi kumakain. Um. ano eh." Nag-aalanganin akong sabihin dahil kahit kailan hindi ko pa 'to ginawa sa buong buhay ko. nakita kong nakatiig ang sya saakin kaya talagang sinabi ko na. "Pwedebangmanghingingpagkainn."
"Ha? Ano? Sprry di ko kase naintindihan."
"Pwede bang manghingi ng pagkain?"
"Pagkain? Sure tara sa loob!"
"Ha? Anong sa loob?"
"Sa loob ng Gate na 'yan. Saan pa ba?"
"Wala namang yang pasukan Ate." Pagkasabi ko noon ay tinitigan nya ulit ako na parang isang kakila-kilabot na nilalang.
"Seriously? Saang planeta ka ba nanggaling?! Para saan pa ang Charms kung hindi din naman natin gagamitin?"
"Charms? Paano magagamit yun? Seryoso ka ba?"
"Siguro nagka-amnesia ka 'no!" Tumawa lang sya. Amnesia? Pinagsasasabi neto?
"Pero--" Magsasalita pa lang sana ako pero pinatol na nya agad ang sasabihin ko.
"Watch and learn." Tapos kumindat pa s'ya saakin. Naguguluhan na ko, mukang mas baliw pala ata sa'kin si Ate. Nagkamali ata ako ng taong napaghingan ng tulong.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangisi sya habang nakatitig sa Gintong gate na walang bukasan. Then after a second bigla nalang syang nawala sa tabi ko. Wala na akong ibang naging reaction kun'di halos malaglag na ang panga ko at lumuwa naman ang mga mata ko nang makita ko syang nasa loob na ng Gate at kumakaway pa saakin.
"What the---" At sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman natuloy ang sasabihin ko bigla nalang akong napunta sa tabi at malawak ang ngiti nya.
Hindi ako na alam ang susunod pang nangyari. Hinatak nalang nya ako papunta kung saan. Mahigit 15 minutes din nya akong tangay-tangay habang naglalakad. Huminto sya saglit sa isang building. Ay, mali, Dorm pala ito na mansyon. Paano ko nalaman? May nakasulat na "W Girl's Dormitory A". Pumasok kami sa loob. Napakunot ang noo ko, 'di ba kapag dorm dapat ay maraming student na nagkalat sa hallways? Wala ni isang tao kang makikita o maririnig maliban saaming dalawa.
"Nasa Coliseum sila." Mind Reader din sya?
"Nababasa ko lang base on your reaction." tapos ngumiti sya kaya I smiled back at her.
"Bakit wala ka dun?"
"Tinatamad ako eh. Wala namang gagawin dun kun'di manood ng booring na laban. Tsaka hindi naman nila mahahalata na umalis ako dun. Remember? I'm a Teleporter." Then ngumiti sya saakin at mahinang tumawa.
"Eh bakit hindi nalang tayo nagteleport mula sa Golden Gate papunta dito?" Golden Gate daw ang tawag doon, sabi nya saakin.
"Oo nga 'no! Bakit hindi ko naisip yun! Ang talino mo pala!" Napafacepalm nalang ako sa kanya.
Tumigil kami sa isang unit na sa palagay ko'y sa kanya. At binuksan nya ito. Pinapasok nya at umupo naman ako sa sofa kasabay ng pagkalam ng tummy ko. Kahapon pa nga pala ang huling kain ko.
"Oh tara dito, mukang mangangain na ng tao 'yang sikmura mo." Tapos tumawa sya ng parang baliw. Ugh. Namimiss ko na si Jackie kahit na sya ang dahilan ng pagkahulog ko.
Binigyan nya lang ako ng madaming pagkain. Buti nalang madami s'yang food supply sa ref nila! kinwento ko nalang sa kanya ang nangyari simula ng mahulog ako sa manhole habang kumakain ako. Napahinto ako sa pagkain nang napatayo sya sa kaniyang upuan ang tumingin sa kanya ng nagtataka. Kita ko naman sa expression nya na parang naguguluhan na natatae na ewan.
" Anong nangyare sayo?"
"What the Hell! Isa kang mortal! Pero-- Paanong-- Arggggh! Bilisan mo nalang kumain at pupunta tayo kay Head Master. Kumuha ka na din ng damit sa color black na closet. Mukang kang dugyot dyan sa suot mo." Seryoso n'yang sabi kaya napatahimik nalang akong kumain.
"Nasa Earth pa ba ako?" Wala sa sarili kong naitanong, napatakip tuloy ako ng bibig kong maingay.
"Earth? ano 'yon? Ah. 'Yun nga pala ang tawag nyo sa inyong mundo." Tumango naman ako bilang sagot. Matagal-tagal din bago s'ya nakasagot. Mukang malalim ang kanyang iniisip at napakaseryoso ng mukha n'ya. "Honestly, hindi ko alam." And for the second time, napafacepalm nalang ako.
"Um. Hey. Pwedeng manghingi ulit ng favor?"
"Yeah?" Sabi niya ng hindi man lang ako nililingon.
"Pwedeng tulungan mo akong makabalik sa mundo namin? For sure nag-aaalala na saakin sila Mom and Dad." Napayuko nalang ako.
"Kaya nga tayo pupunta kay Head Master eh. Dahil sya ang makakatulong sa'yo." Napatingin ako sa kanya ng marinig ko iyon at ngumiti sya sa akin. Mas lumawak naman ang ngiti ko sa kanya. Yung ngiting tagumpay ba, dahil alam kong may pag-asa pa. Makakabalik pa ako. Namimiss ko na ang pamilya ko. Pati na din ang mga kaibigan ko. Kailangan ko sila.
"By the way, I'm Lucy Lemon. And you are?"
"Amira. Amira Dew Ylichvox."
--------
Hi Guys! Kaway-kaway nga pala kay Ate Rica! And thank you po sa mga magbabasa kung meron man. hahaha. Maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
White Ville Academy
RandomPaano kung mapunta sa isang lugar na kung saan hindi ka nabibilang at marating mo ito ng hindi sinasadya? Isang lugar kung saan paraiso ang ganda na puno ng mahika. Ano ang gagawin mo? Ngunit sa pagdating mo sa lugar na ito ang ang simula ng pagbab...