Chapter 6: The Fire

31 4 0
                                    

Amira Dew Ylichvox

"Oh! Look what we have here! May bagong mukha sa Academy. Can you please introduce yourself?" Nakangiting wika saakin ng Professor na kakadating lamang nang libutin ng mga mata nya ang clasaroom namin. Wala namang akong magagawa kaya tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Hi. I'm Amira Dew Ylichvox. 18 years old." Sabay ngiti. Nginitian naman ako pabalik ng guro, mukha naman syang mabait. Buti nalang.

"Bakit ngayon ka lang nag-enroll sa WVA, Miss Ylichvox?" Oh no. Anong sasabihin ko? Na-dahil isa ako alien? Wait, pare-parehas naman kaming mga tao ah! Pero magkaiba kami ng world 'di ba? Tapos parang nang-invade pa ko sa mundo nila? So, alien invader pala ako? Pero magkaparehas naman kaming species ah! Pero hindi din, may powers sila, ako wala. Edi magkaiba kami ng species? Pero humans din naman sila! Ano ba! Ugh. Nababaliw na ko.

"Um. Ma'am becaus---" Bago pa man ako magkapagsalita ng kung ano, sumulpot nalang bigla sa tabi ko si Lucy. Sa wakas dumating din! Thank you G!

"Good Morning Mrs. Berry! Ansaya ko't nakita ko ulit ang maganda mong mukha!" Masiglang sabi ni Lucy. Inuuto niya lang ata yung Prof, kulubot na kaya yung mukha ng Professor na 'to!

"You're late again Miss Lemon. Anyway, take your sit now. Miss Ylichvox is introducing herself." Then tiningnan nya naman ako at tumango. "Go on Miss Ylichvox."

"Ah, Ma'am! Amira is a friend of mine. Galing pa sya sa kabilang bundok kaya hindi agad sya nakapag-enroll sa WVA. Tsaka po hindi nga po pala sya sanay sa Q&A, naninibago pa sya sa ganitong lugar kaya kung pede po next time nalang po kayo magtanong." Thank you talaga Lucy! Phew! Ang galing mo! Hulog ka ng lupa!

"Ganun ba. Pasensya na Miss Ylichvox, hindi ko alam."

" Amira nalang po." Nagsmile ako at tumalikod na sya. Habang si Lucy naman ay umupo sa harap ko. Eh, meron namang bakanteng puan sa right side ko ah?

"Uy Lucy, ayaw mo bang tumabi saakin?" Kinalabit ko si Lucy para lumungin saakin.

"H-ha? Eeh. A-ano eh. Hindi naman sa ganun Dew, Ano kasi, hindi ko kasi marinig si Ma'am Berry! Ah, tama yun nga! Bingi kasi ako. Ano nga yung sinabi mo? Lakasan mo di ko narinig eh. Hehehe." At tumalikod na sya habang tumatawa ng pilit. Anong nangyari dun? Nabaliw na ata? Baka na-overdose sa kanin, dami nya kasing kanin kagabi nung dinner time sa Dining Hall.

As time goes by, natapos na din ang klase at lunch na. Yung subject naman kanina ay katulad lang ng sa Earth, mga Science and etc,. Di ko nga alam kung bakit pa nila pinag-aaralan yun since may magic naman sila at kaya na nilang gawin lahat beyond science.

Magkasama kami ngayon ni Lucy sa Dining Hall. Hindi ko alam kung bakit hindi niya binabalikan ang mga kaibigan nya before ako dumating sa Academy, sabi niya siya daw muna ang bahala saakin. Kaya naman daw ng mga kaibigan niya ang mga sarili nila unlike me. Okay, ako na ang walang Charm!

Libre pa ang lunch ngayon kaya madaming tao. Pumila na kami at pagkakuha namin ay naglakad na kami papalayo at naghanap ng mauupuan. At dahil madaming tao mahirap makahanap ng upuan.

"Lucy! Ayun oh! Tara!" Dali-dali akong timakbo-este-lumakad dahil baka may maunang umupo doon at hindi na hinintay na makapagasalita si lucy, papunta na ko sa upuan habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang juice at pagkain ko. Dahil siksikan sa lugar na dinaanan ko may nakabunggo saakin at alam nyo ang sunod na nangyari? Nasayang ang pagkain ko!

Nabitawan ko ang dala kong juice at pagkain at napahawak sa balikat ng taong nakaupo sa gilid ko para hindi ako tuluyang mabagsak sa sahig.

Hay! Buti nalang! Muntik na yun! Pero yung pagkain ko! Nasayang!

White Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon