Amira Dew Ylichvox
Its been two days simula noong muntikan na akong maabo ng wala sa oras sa roof top. So far, so good pa naman ang pananatili ko dito kahit na halos minu-minuto akong tiningnan ng masama ng mga Estyudante dito na parang gustong-gusto na nilang paghiwa-hiwalayin ang bawat buto ko.
Buti naman at hindi uso dito ang mga bullies katulad ng mga nababasa ko sa Wattpad na kapag nakaaway mo ang prinsepe nila ay ipapatapon ka sa Luneta at doon babarilin. Pero seriously, buti nalang talaga at walang mga babaeng bitch na humaharang sa dadaanan ko at i-coconfront ako about sa nangyari sa prinsipe nila at papaluhudin ako at ingungud-ngod ako sa lupa. Baka mababait naman talaga mga tao dito maliban sa Ice Waters na yun!
And also two consecutive nights ko na ring napapanaginipan si Arima. Same dream as my emotion towards Arima. Pangungulila. Ang sakit-sakit sa puso everytime na magigising ako mula sa panaginip kong iyon, pero masaya na rin ako dahil after so many years naririnig ko ulit ang boses niya. Pero ang masakit na part ay naririnig ko lang siya, hindi makita o kaya ay mahawakan man lang at ang pinakamasakit ay isang panaginip lang ang lahat.
Thankful ako dahil hindi pa necessary na ipakita ang Charms ngayon week sa mga subject namin ngayon about enhancing our Charms. Next week pa daw, so still have less than a week para makapag-research sa library nila at mahanap na ang mga sagot para makaalis na ako sa mundong ito bago pa sapilitang ipakita ang mga Charms at madiskubre na wala ako nito. Bakit ba kasi walang internet at google dito?
Kailangan ko pa nga palang labanan si Ice! Anong gagawin ko? Wala naman akong Charms! Bahala na nga.
I'm on my way to library ng biglang may humarang saakin na isang magandang babaeng may maamong mukha na may mga matang matalim na nakatingin sakin.
Oh no, eto na ba ang mga iniimagine ko lang kanina?
Tinititigan lang niya ako ng masama at hindi nagsasalita, pero nagulat nalang ng walang isang segundo nakadikit na ako sa pader hawak-hawak niya ang leeg ko at may matalim na bagay na nakadikit sa leeg ko.
Shet! Ito na ba ang katapusan ko? Grabe ang kabog ng dibdib ko at tagatak na ang pawis ko. Ano mang segundo ay maari niyang putulin ang buhay ko!
"Ang lakas naman ng loob mong ipahiya ang Master ko sa harap ng mga tao." Bigla siyang nagsalita na parang pabulong sa mismong gilid ng tenga ko. Sobrang cold ng pananinilita niya at nakakakilabot.
"Pero, Teka—" Idiniin nya ang matalim na bagay sa leeg na dahilan upang mapahinto ako sa pagsasalita.
"Don't you dare to talk until I say so." Napatango na lang bilang sagot sa kanya. "Hindi mo ba alam na kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran sa nagawa mong kasalanan?" Teka nga, natapunan ko lang naman ang lalaking yon ng pagkain kasalanan na agad? Ang OA naman ng babaeng ito.
"Kaya bilang kaparusahan, kailangan kitang patayin upang hindi mo na siya masaktang muli." Ha?! Hindi naman ata pwede yon!
Ibubuka ko na dapat ang bibig ko pero hindi nga pala ako pedeng magsalita hanggat hindi niya sinasabi, di ba? Kaya inipit ko ang labi ko at gumawa ng sounds na parang nanghihingi ng pahintulot na magsalita. At tumango naman siya.
"A-no. K-kasi—" Anak ng tipaklong, kinakabahan ako.
"Umayos ka."
"Kasi, ano. Hindi mo ako pedeng patayin! May-usapan-kami-na-siya-mismo-ang-papatay-sakin!" Mabilis kong sabi dahil kinakabahan talaga ako.
"Okay." What? Ganon lang iyon? Inalis na niya ang hawak sa leeg ko pati ang patalin na gamit niya. Isa pala iyong patulis na yelo na nakahulma sa kuko niya. Hibdi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya at dahan dahan siyang umikot at naglakad paalis. Hay, salamat.
BINABASA MO ANG
White Ville Academy
RandomPaano kung mapunta sa isang lugar na kung saan hindi ka nabibilang at marating mo ito ng hindi sinasadya? Isang lugar kung saan paraiso ang ganda na puno ng mahika. Ano ang gagawin mo? Ngunit sa pagdating mo sa lugar na ito ang ang simula ng pagbab...