Chapter 5: Arima

35 5 3
                                    

Amira Dew Ylichvox

"Amira."

"Ate."

"Nandito na ako."

"Miss na kita Amira."

Nasa isang madalim na lugar ako, hindi ito simpleng kadiliman, wala kang makikita na kahit ano. Ni kamay ko hindi ko makita. Para akong nasa kawalan, dilim na tila walang katapusan. At may isang tinig ng lalaki ang tumatawag saakin.

Pero sino 'yong tumatawag sakin? Pamilyar ang boses nya ah.

"Amira, Ate Dew."

Te-teka, ka-kaboses nya ang kapatid ko.

"Si-sino ka?! Magsalita ka ulit!" Pasigaw kong sabi na nanginginig ang aking panga habang umaalingaw-ngaw ang aking boses dahil sa pag-echo nito sa kawalan.

"Amira.. " Rinig ko na wika ng isang tinig na nagmumula sa isang lalaki na para bang nangungulila. Biglang nanghina ang tuhod ko nang marinig kong muli ang tinig na iyon, at parang anumang oras ay bibigay na ang mga ito. Nararamdaman ko na din ang pag-init ng gilid na aking mga mata at unti-unting may namumuong tubig.

Boses nga ng kambal ko! Pero baka kaboses lang nya, pero sigurado ako na boses nya 'yan!

"Ar-Arima! Ikaw ba yan? Nasaan ka! Pupuntahan kita! Umuwi na tayo oh!"
Bumuhos na ang mga luha ko ng sunod sunod na parang isang bagyong may napakalas na ulan.

"Amira... "

"Arima! P-Please! Bumalik ka na. Nagmamakaawa ako. Mi-miss n-na miss ka namin. Bumalik ka naaaaa!" Hindi na ako makapag-salita ng maayos. Sobrang saya, napaka-saya ko, dahil makalipas ang sampung taon narinig ko ulit ang boses ni Arima. Ansarap pakinggan. Pero mas masaya kung makikita ko sya.

"Arima Flint! Nasan ka ba? Gustong kang makita ni Ate, pupuntahan kita kahit nasaan ka. Sabihin mo lang. Pro-protektahan kita sa abot ng makakaya ko, Flint. Di kq na pababayaan ni Ate, Umuwi ka na please." Pagmamakaawa ko na may halong saya at lunghot habang pahikbi-hikbing nagsasalita at umiiyak.

"Amira sobrang saya ko."
Ngunit sa kabila ng sobrang saya na nararamdaman ko, napaka-bigat din ng pakiramdam ko dahil tila ano mang oras ay iiwan mo ulit ako Flint, bakit ganun.

"Pero Arima, for sure mas sasaya ka 'pag bumalik ka na sa bahay di ba, kaya tara na. Magpakita ka na sakin at umuwi na tayo." Nakangiti kong sabi kahit na alam kong hindi nya ito makikita dahil sa dilim. Pero umaasa ako, umaasa ako na eto na, magiging isang buong pamilya na kami ulit. Sabi na nga ba't buhay si Arima. Buhay si Arima.

"Dew, salamat... " Ha? Salamat? Para saan? At ang boses nya, para bang pahina ng pahina habang binibigkas nya ang bawat salita. Para bang nawawalan ng lakas.

"Salamat? Para saan? Pinagsasabi mo? Ano ba'ng nangyayari sayo?" Kung sobrang tahinik kanina, mas laling tumahimik ngayon. Boses ko na lang ang nag-iisang ingay sa lugar na ito. Dumoble ang bigat ng pakiramdam ko. Napakasakit.

"Flint! Arima Flint!" Ang sakit na iwan ka ulit ng Taong kahati na ng buhay mo.

"Arima!" Bakit kailangan mo pa akong paasin, mas masakit pala to. Isang ilusyon lang ba ang lahat?

"Arima! Arimaa!" Parang sinaksak ako ng paukit ulit dahil sa nangyari. Para na akong baliw na sigaw ng sigaw ng pangalan ng kambal ko ng paulit ulit at umaasang makikita syang muli.

"Arimaaaaaaaaa!"

"Arimaaaaaaaaa!" Nagising Ako kasabay ng pagsigaw ko sa pangalan ng kapatid ko na pawis na pawis at malalim ang paghinga. Anong nangyari sakin? Isang panaginip? Pero parang napakatotoo. Sa buong buhay ko simula nang mawala si Arima ay lagi ko na syang napapanaginipan, Oo, pero hindi katulad ng panagip ko ngayon. Naaalala ko pa ang bawat detalye ng panaginip ko, hindi naman maaari 'yon, hindi ba?

Malakilapas ang ilang minuto ay napansin kong nagliliwanag na pala. Binaliwala ko na lang ang panaginip na yon. Baka sa sobrang pag-iisip ko lang sa kanya kahapon at naikwento ko pa sya kay Lucy kaya ganun na lang ang panaginip ko.

Bumangon na ako at nagayos ng kaunti para presentable naman ako kahit papaano kapag nakita ako ni Lucy. Ngunit wala sya paglabas ko kaya bumalik na ko ng kwarto at naligo, sinout ko na rin ang pinahiram saakin ni Lucy na black shirt at black pants. paglabas ko, wala pa ring bakas ni Lucy, baka natutulog or naliligo pa sya. 6am ang open ng Cafeteria slash Dining Hall at 7am palang naman, 8am naman ang start ng klase namin sabi ni Lucy kaya sa Dining Hall nalang siguro ako pupunta at gutom na rin naman ako. And besides, I'm good at direction kaya hindi ako basta basta maliligaw. Pagnaligaw ako magtatanong-tanong nalang ako. Hindi na ako nag-abalang istorbuhin pa si Lucy sa room nya dahil baka may ginagawa pa sya at di naman nya kailangang magmadali dahil sa Charm nya, since wala ako non nga-nga ako ngayon.

Nakarating naman ako ng matiwasay, buo at walang galos sa Dining Hall kahit na takot na takot na ako sa mga titig na ibinibigay saakin ng mga taong nadaraanan ko, siguro dahil bago lang ang mukha ko sa lugar na ito.

It was 40 minutes before our class nang matapos ako kumain, minadali ko lang talaga kumain dahil hindi ako komportable sa mga tingin ng ilang mga tao sa Dining Hall habang kumakain ako mag-isa.

Lumabas agad ako Dining Hall at dumeretso sa isang modern castle sa may di kalayuan tanaw ko naman 'yon at abutin siguro ng labing-limang minutong paglalakad, ang sabi saakin ni Lucy doon daw ang unang klase namin. Sa 2nd floor daw, 3rd door from right.

Habang naglalakad ako, biglang may lumitaw na tila sumasaboy na kumikinang na kung ano ang nasa harapan, kaya tumingala ako para makita ang pinanggagalingan nito. Isang babaeng kasing-laki lang ata ng thumb ko na may pak-pak na ngiting-ngiti saakin.

"Wow! Fairyyyy!" Nang makita ko sya ay nagpaikot-ikot sya sa akin na tuwang-tuwa. Nagsasalita din sya pero hindi ko naman maintindihan dahil sa liit ng boses nya.

"Hello! I'm Amira pero pede mo din akong tawaging Dew." Nakangiting sabi sa kanya habang naglalakad ako at nakikisabay naman sya saakin. Nagsasalita ulit sya pero hindi ko talaga maintindihan. Para syang boses ng chipmunks na may sobrang liit na boses. Kinukulit lang nya ako ng kinukulit hanggang sa makarating ako sa tapat ng Modern Castle.

"Uy byebye na little fairy, papasok na ko. Bumalik ka na sainyo." Umiling lang sya sa sinabi kaya naglakad na ulit ako papunta sa classroom na sinasabi ni Lucy habang nakasunod pa din saakin ang fairy na makulit na to.

Pagbukas ng pintuan nakita kong madami na ang nasa loob at may kaniya-kaniyang ginagawa. Humakbang na ako papasok, hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay lumabas mula sa likuran ko si fairy na makulit. At sa hindi ko alam na dahilan, Ang kaninang maingay na klasrum ay nagkaroon ng isang nakakabinging katahimikan. Napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila at sabay-sabay na napatingin silang lahat saakin na para bang gulat na gulat.

Naglakad nalang ako Papunta sa bakanteng upuan sa likod na tabi ng bintana ng tahimik at nakayuko dahil sa hiya. Nakasunod pa din saakin ang fairy na ito at nagsasayaw pa na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

"Uy alis ka na. Please. Tinakot mo ata sila. Please." Pabulong kong kinausap ang fairy at umiling lang ulit sya sakin. kasabay ng pagtaboy na gesture sa kanya. "Shoo na sabi eh. Alis na. Next time nalang ulit." Medyo pagalit kong sabi sa kanya. Nakita ko namang nalungkot ang mukha nya, pero kahit parang ayaw nya, umalis pa din sya palabas ng bintana at napabuntong hininga nalang ako.

Kasabay noon ang narinig kong pagsinghap ng mga kaklase ko, impit na tili ng mga babae na nagpipigil tumili at ang pagpasok ng isang matangkad na lalaking may maputing balat, matangos na ilong, mapupulang labi at kulay brown na buhok. Okay. Gwapo sya. Pero madami din namang gwapo sa Earth ah! Umupo ang lalaking iyon sa likod malapit saakin, isang upuan ang pagitan namin.

Nakita kong tumingin sya saakin, nakakatitig na pala ako sa kanya! Magiiwas na sana ako ng tingin nang pinitik nya daliri nya at may lumabas na apoy! Oh fck! Nanlaki ang mata ko ng makita ko iyon at lalo itong lumaki nang magtama ang mga mata namin. Ang mga mata nya ay talagang nakakatakot na nakatangin sakin. Para bang sinasabing 'Wag ka mong titigan' kaya dali-dali akong nag-iwas ng mata, namawis na pala ang kamay ko sa takot! Shet sino ba yon! Naramdaman kong nakatitig pa din sya sakin pero nawala din 'yon nang dumating na ang professor namin. Nasaan na ba kasi Lucy!

---
Hi people! Sorry talaga kung maiikli lang ang update ko. Less than 1500words lang talaga ang keribels ng Charm ko each chapter eh T_T Ilang words ba ang average na dapat? para sa mga next chap susubukan ko talaga syang pahabain. Anyway, Happy Reading! Thank you sa pagbabasa. Love lots!

White Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon