Chapter 4: The Academy and The Past

37 5 0
                                    

Amira Dew Ylichvox

"Welcome to the White Ville Academy, Amira!" Buti nalang huminto na sa kakatili si Lucy, almost half an hour na ata s'yang mukang kiti-kiti sa tabi ko habang naglalakad kami. At salamat dahil nasa Coliseum pa din ang mga estyudante kun'di baka napagkamalan na akong may kasamang babaeng takas sa mental. I wonder kung may Mental Institution din kaya dito?

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad-lakad! 'Di ba pwedeng magteleport nalang tayo? Sakit kaya sa paa! Kala mo naman kasi ang liit-liit ng School na 'to eh!"

"Ano ka ba! Dapat masanay ka na, wala ka namang Charms kaya araw-araw mong lalakarin ang buong Academy. Bleh!"

"Tigilan mo nga yang paglabas ng dila mo. Para kang aso. Tss."

"Inggit ka Mira? Gumaya ka!" Mira? Ang corny naman n'on. Ang panget kaya tinitigan ko sya ng masama.

"What? Mira, short for Amira! Ang haba kaya ng name mo! Three syllables!"

"Tanga ka din eh. Para saan pa at nilagay ang 'Dew' sa pangalan ko 'no?"

"Sorry na." Bigla nalang s'yang nag poker face. Bilis ng mood wings ah. HAHAHA.

Lakad lang kami ng lakad, nililibot na din namin ang ibang part ng Academy para daw ma-familiarize ko ang lugar na ito dahil hindi namin alam kung hanggang kailan ako mananatili sa lugar na 'to.

"Anim ang Dorm Building dito, two ordinary dorm for Boys and also two for girls." Isa-isa n'yang tinuro ang mga buildings. Dinala kase ako ni Lucy sa isang peak which you can see the half of the academy. "Yung isa naman na 'yon is Dorm for Rich kids and Academy's Committee, pero si Head Master at Mr. Gold may sarili silang bahay. Kumbaga, d'yan nakatira ang mga brats. And the last one," tinuro nya ang isa mansyon na triple ang laki ng isang ordinary dorm. May swimming pool pa nga eh. "Yan ang Dorm for High Ranks Students including the Elementalist! Kyaaaahhh!" Rinding-rindi na ko sa katabi, Oh-my bakit sa isang katulad nyo pa ako dinala.

"Cut the crap will you! Hirap na hirap na Ako! Ang sakit sakit na! Hindi mo alam ang sakit ng nararamdaman ko kapag ganyan ka!"

"Cut the crap mo mukha mo, iwan kita dito eh. Sige ka. Sumakit ulo ko sa drama mo." Wait what? Bakit nabaliktad ata? "Okay, As I was saying, that dorm named Building B. And you know what? Diyan na tayo titira! Kyaaaaa!" Okay? Ako naman ata ngayon ang kailangang magpoker face.

-

Nandito na kami ngayon ni Lucy sa tapat ng dorm building namin, nagteleport na kami kasi pagod na daw sya maglakad. Sabi ni Lucy libutin muna namin ang dorm dahil wala daw ang room na naka-assign saami. Habang nasa hallway kami nagulat ako dahil may kumalabit saakin kaya tumalikod ako para tingnan kung sino yun, pero wala naman akong nakitang tao kaya naglakad nalang ulit ako at sinundan ulit si Lucy na salita nh salita.

Nakakailang hakbang palang ako pero may kumalabit na naman sa akin pero sa binti na. Kaya lumingon ako sa binti ko nang- "Luccyyyyyy! Ano toooooo!?" May isang mail box na may mata at pakpak!

"Oh. Ayan na pala yung hinihintay natin!" Yumuko naman si Lucy para may hinihintay atang sulat sa isang mail box, pero hindi pala sulat. Kun'di isang susi. Ito ata yung susi ng dorm namin. Meron din kasing tag na may nakasulat na DBB301.

"DBB301?"

"Common sense naman Dew, Dorm Building B 3rd floor room number 1!"

"Sorry naman, ipapaalala ko lang sa'yo wala pa akong 24 hours dito! Sungit nito, nagtatanong lang eh. Tapos nagpout nalang ako at umakyat kami ng hagdan hanggang sa makarating kami sa tapat ng room namin.

Si Lucy na ang nagbukas ng room dahil nasa kanya ang susi. Haha. Malamang Amira, nasa kanya nga kase yung susi di ba? Anyway, pagkabukas nya ng pinto napanganga kami parehas, ang layo kasi ng itsura ng dorm ordinary dorm ni Lucy kanina sa dormna titirahan namin ngayon. Sobrang ganda at laki neto! Ang ganda kasi ng interior design nya, may magkakahiwalay pa ang kusina at dining area, tas ang ganda ng sala at may sarili pang kaming kwarto. Sa dating dorm room kasi ni Lucy nandun na ang lahat sa isang room, wala man lang divider or anything except sa CR.

White Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon