Amira Dew Ylichvox
Pagkatapos ko magbihis at kumain, hinawakan agad ni Lucy ang kamay ko para daw makapunta na kami ng mabilis sa kwarto ng Head Master. Syempre, ginamit nya ang kapangyarihan nya para wala daw makikita saakin.
After a second, nasa harap na kami ng isang malaking pintuan na may designs na dragon na kulay gold at silver sa paligid nito. Kumatok si Lucy sa pintuan at kasabay ng pagkaladkad nya sa'kin-este-paghila nya papasok.
"Tara pasok na tayo"
"Pa'no pa ako papasok kung hinila mo na ako?"
"Oops. Sorry. Hehe." Then binitiwan nya ang kamay ko at nagpeace sign sya na parang bata.
Isang parang library na room ang bumungad sakin, may hindi gaanong kalakihan ang kwarto pero punong-puno ng libro ang bawat sulok.
"Ano hong maipaglilingkod ko sainyo mga binibini?" May isang matangdang uugod-ugod na may hawak na kahoy na baston ang nakalapit sa amin ng hindi ko namamalayan dahil nakatutok ang atensyon ko sa mga libro.
"Mr. Gold, maari po bang makausap ang Head Master? May importante lamang po kaming sasabihin." Magalang na pagkakasabi ni Lucy.
"Gaano ka-importante 'yan at nagawa pa ninyong tumakas sa ceremony sa Coliseum? Alam naman ninyo na may kaparusahan kapag nahuli kayo hindi ba?" Biglang namutla na parang bang natatakot si Lucy kaya ako na ang sumagot kay Tatang Gold.
"Excuse me po, ako nga pala si Amira. Isang mortal. Kung maari po sana ay 'wag n'yo parusahan si Lucy. Ako po ang may kasalanan." Kalmadong tumungin saakin si Tatang Gold na para bang ayos lang na may mortal sa mundo nila.
"Manghi-hingi lang sana ako ng tulong sa Head Masyer kung paano ako makakabalik sa Mortal World."
"Hindi ka na makakabalik." Tumitig lang sya akin habang sinasabi ang katagang yan. At tumalikod at dahang dahang naglalakad palayo sa amin.
Parang gumuho ang mundo ng marinig sa Kanya ang mga salitang iyon. Para bang naging bato ako at unti-unti kong naramdaman na may namumuong tubig sa gilid ng mga mata ko. Nawala na nga saamin ang kapatid ko, pati ba naman ako mamawala sa mga magulang ko?
"Te-teka, teka lang!" Direretso sya lang sya sa pag-alis at Hindi na 'ko makakabalik? Hindi ata pwede 'yon! Hindi! "Nakapunta nga ako, sa mundo nyo kaya paniguradong may paraan para makaalis! At ikaw ba ang Head Master? Hindi di ba! Kaya wala kang karapatan na sabihin sakin yan!"
"Amira, huminahon ka lang." Hinwakan ni Lucy ang balikat ko tila ba nakikisimpatya sa'kin.
"Ngunit mas lalong wala kang karapatan magalit dahil sa hindi ka nagmula dito. Ni wala kang karapatan na tumapak sa sahig na kinatatayuan mo. Binibing Amira." Tila may nanunumbat na turan nya habang naglalakad ng hindi man lang kami nililingon.
"Mr. Gold! Nasan ho ba ang Head Marter?" Rinig kong sabi ni Lucy. "Hindi po ba't ayon sa history ng ating Academy, may isang mortal na din pong nakarating dito?" Napahinto si Tatang sa kanyang paglalakad ng marinig nya ang sinabi ni Lucy.
"Binibing Lucy, nabasa mo na ba ang ang nangyari sa taong mortal na 'yon?" Umiling si Lucy bilang sagot. Tila tumigil ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko dahil parang may nakikita pa akong pag-asa na makita muli ang aking mga magulang at kaibigan.
"Ano po ang nangyari sa kanya?" Ako na ang nagtanong dahil sa pagkasabik.
"Para saan pa ang mga libro kung hindi nyo rin naman pala babasahin? Mga kabataan nga naman oh."
"Kung ganon, pwede po bang manghiram ng mga libro ng history ng inyong Academy?"
"Gaya nga ng sabi ko sa iyo, Binibining Amira. Wala kang karapatan sa mundong ito, maging yang tinatapakan mo."
"Edi mag-aaral ako dito! May karapatan naman ang isang estyudante na manghiram ng libro hindi po ba?"
"Pero wala kang Charms Amira! Delikado ka sa loob ng Academy kung wala kang panlaban!" Singit ni Lucy sa aming pag-uusap.
"Kaya nga nandyan ka eh." Lumawak ang ngiti ko sa kanya. Pero hindi man lang ako pinansin ni Lucy at ibinalik ang tingin kay Tatang Gold.
"Sige. Binibining Amira. Maaari ka nang magsimula bukas. Ngunit kailangan mong itago ang iyong tunay na pagkatao para sa iyong kaligtasan."
"Pero Mr. Gold! Baka mapahamak lang si Amira sa gagawin nya!"
"Hindi mo ba naisip na mas mapapahamak si Amira sa labas ng Academy? Lalo na kung makarating s'ya sa kagubatan. Madaming mababangis na hayop ang nagnanais ng laman at dugo ng isang mortal. Unang tapak pa lamang nya sa gubat ay paniguradong maamoy na agad sya at pagpi-piyestahan ng mga hayop."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tatang. At napatingin naman sa'kin si Lucy dahil nga nadatnan nya ako sa gilid ng gubat at nakwebto ko na din naman sa kanya ang nangyari saakin.
"Tatang Gold, pagmulat ko nga ng mga mata ko, nasa gubat ako. Wala namang lumapa saakin doon. Ginamot pa nga ng isang kakaibang hayop ang sugat ko dahil kinagat ako ng isang dahon." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yon, pero para nakita kong napangiti si Tatang Gold.
"Baka mahina lang ang mga hayop ngayon kaya hindi ka nila napansin." Saad ni Tatang. Magsasalita pa sana si Lucy pero. "Wala nang tanong-tanong. Umalis na kayo, ako na ang bahala sa enrollment papers mo Amira. Lucy, ililipat kita sa Dorm Building B at samahan mo doon si Amira, tutal ikaw naman ang nakakalam ng tungkol sa kanya at sa ating pinag-usapan."
Bigla namang napatili si Lucy. Sakit sa tenga, kala naman neto wala ako sa tabi nya!
"Talaga Mr. Gold? Is it real? Is it real?! Oh-my-G!" Tapos para syang kiti-kiti at tili ng tili. Mababasag na ata ang ear drums ko! Muntanga si Lucy sa totoo lang.
"Maraming Salamat po Tatang Gold! See ya!" Hinatak ko na palabas si Lucy dahil kawawa naman yung matanda, matanda na nga sya baka mawalan pa sya ng pandinig.
Ano kaya'ng mangyayari sakin dito? Sana maging maayos naman at sana mabilis kong matapos ang pagtuklas sa history ng taong mortal na nakadating na din sa mundong ito para makabalik na din ako sa mundo ko, hindi naman masamang umasa, hindi ba?
-----
Hi guys! Happy 35 reads people! Salamat sa mga nagbasa at magbabasa ng istoryang ito! Hope you'll like it! Pasensya na kung maiikli lang mga updates ko ah :(
Anyway highway, thank you po ng madami sa inyo! Lalo na kay Ate Rica! Thanks sa votes Hahaha :)))-numbers
BINABASA MO ANG
White Ville Academy
De TodoPaano kung mapunta sa isang lugar na kung saan hindi ka nabibilang at marating mo ito ng hindi sinasadya? Isang lugar kung saan paraiso ang ganda na puno ng mahika. Ano ang gagawin mo? Ngunit sa pagdating mo sa lugar na ito ang ang simula ng pagbab...