Kabanata 4
Nagmamadali kong kinuha ang bag ko habang sinusuklay ang buhok ko. Masyado na kasi akong late para sa flag ceremony at baka maghintay pa ako ng matagal sa gate.
"Sweety, sumabay ka na sa amin!" Nakatingin halos silang lahat sa akin.
Napansin kong wala na sa hapag ang mga pinsan ko.
"Po? Mali-late na po ako!" Natatarantang sagot ko.
Tumayo naman si Mommy at kinuha ang baunan ko at nilagay sa eco bag, pagkatapos ay inabot niya 'yon sa akin.
Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos. "Good bless, sweety kong dalaga na."
Ngumiti ako kay Mommy at humalik sa pisngi. Biglang nawala 'yong takot ko na malate sa sinabi niya. Basta kapag kay Mommy kumakalma talaga ang buong pagkatao ko.
Kaya maging ang pagkalate ko ay tinggap ko na. Kaya naka upo na ako ngayon sa shed habang naghihintay na matapos ang flag ceremony.
Rinig na rinig ko rito sa labas ang pag aanounce ng istudyante na nakatoka ngayon.
Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo ko sa pader ng waiting shed. Pumikit ako. At wala pa mang ilang minuto ay biglang bumukas ang gate kaya napamulat ako ng mata at mabilis na lumingon sa gate. Naglikha kasi ng ingay ang pag bukas ng gate.
Sa akin ka agad nakatingin si Niron nang lingunin ko ang gate. Parang expected na niyang makikita niya ako rito.
Maya-maya lang ay umayos siya ng tayo. Habang ako naman ay umiwas na ng tingin. Baka kasi hindi ako ang tinitingnan niya, pero posible ba iyon eh ako lang naman ang nag-iisang istudyante rito?
"Pumasok ka na."
Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang paos at malalim niyang tinig.
Nagulat na lang ako nang kusang tumayo ang katawan ko at naglakad papasok ng gate.
"Salamat po. Pasensya na po, importante po kasi itong taong ito." rinig kong sabi ni Niron sa guard.
Nakatalikod pa rin ako sa kaniya habang mahigpig ang hawak sa hawakan ng eco bag.
"S-salamat..." Mahinang sambit ko. Narinig ko ang yabag niya sa gilid ko kaya biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Lalo na nang makita ko sa gilid ng mata ko na nasa tabi ko na siya, parang hindi na mapirmi ang puso ko.
"No worries. Pasasalamat ko lang 'yon kasi kinaibigan niyo ang kapatid ko. You know, hindi masaya ang school life kapag wala kang circle of friends." Napatitig ako sa likod niya nang lagpasan niya ako.
At bigla akong nakaramdam ng lungkot at konsensya.
Kaya lang naman kasi kinaibigan si Genevieve dahil sa kaniya. Pero ayaw ko talaga kay Genevieve, una pa lang ay ayaw ko na siya. Dahil para sa akin sa sobrang kabaitan niya pinagsasamantalahan na ng iba 'yon.
Kumaway ka agad sa akin sina Patricia nang makita nila ako. Lalo na si Genevieve, kaya mas lalo tuloy akong nakonsensya. Kasi hindi ko pinigilan 'yong dalawa sa balak nila. At hindi ko rin kayang makipag kaibigan sa kaniya.
Ngayon ko lang nakita ang agwat naming dalawa.
Mas lalo akong na konsensya nang mapansin kong nagsusunod-sunuran si Genevieve sa dalawa kong kaibigan.
"Pat, Bea. P'wede bang itigil niyo na 'tong ginagawa niyo kay Genevieve? Kasi parang hindi niyo siya kaibigan sa ginagawa niyo, parang alipin na at ginagamit niyo lang naman siya di ba?"
BINABASA MO ANG
Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6)
RomanceCasa Bilarmino #6 She was his exception, his greatest exception. But she's not ready for love. Hindi naniniwala sa pag-ibig si Daniela dahil sa mga nalalaman niya at nasasaksihan. Tila ba isa iyong banta sa kaniyang puso. Hanggang sa kusang tumibok...