Not edited, wala po kasi sa tamang huwisyo para mag edit.
Kabanata 5
Naiinis ako sa Ate ni Pat. Pero hindi dahil sa siya ang magiging Maria Clara. Naiinis ako sa kaniya kasi bida-bida siya sa Kuya Danilo ko.
Yes na malagkit, mayroong sila. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Kahit sino pa kaladkarin niyang lalaki wala akong pake sa kaniya basta huwag lang ang Kuya ko, alam ko naman kasi na kaladkaring babae siya. Sa Kuya ko lang ako may pakialam.
Eh hindi ko nga alam kung bakit type ng Kuya ko 'yan. Like, eww di ba? Boobs lang naman lamang niyan pero walang utak 'yan.
"Daniela, mag bati na lang kayo please?" Isa pa itong si Genevieve, kita ng pinaplastik lang siya ng dalawa nakikipagkaibigan pa rin siya.
Sinimangutan ko siya at padabog na tumayo na ikinagulat niya. "Alam mo, Genevieve. Di ko talaga alam kung bulag ka ba o nagbubulagbulagan lang, hindi mo ba nakikita na pinaplastik ka lang nila?" Naiirita ng tanong ko.
Nag iwas ng tingin sa akin si Genevieve. "Alam ko naman... Ayaw ko lang mawalan ng kaibigan..."
Panandalian akong natigilan sa sinabi niya. Hanggang sa kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa ng library.
"Nandito naman ako... At ang Kuya mo... Nandito kami para maging kaibigan mo..." Naiusal ko na lang bigla.
Napatitig naman siya sa akin kaya napatikhim ako at nag iwas ng tingin. Hanggang sa napansin ko ang dahan-dahan niyang pag ngiti, at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.
"We're friend na for real? Thank you, Dan. Akala ko talaga hindi kita magiging kaibigan!" Mahinang sigaw niya dahil nasa library kami at bawal ang maingay.
Tinanguan ko siya. Na-aamoy ko pa rin ang pabango niya. Mas matangkad siya sa akin kaunti.
Napangiti naman ako bigla. Ang gaan ng pakiramdam ko, bigla 'yong gumaan nang yakapin niya ako. Pakiramdam ko gusto ko rin siyang maging kaibigan hindi ko lang talaga masyadong makita 'yon dahil sa inggit ko.
Halos lahat kasi ay pinupuri siya. Pinupuri rin naman ako kahit papaano pero may kulang kasi, at saka kaya lang naman nila ako pinupuri dahil apo ako ni Remus.
Pero kahit mag kaibigan na kami ni Genevieve ay mas madalas pa rin siyang sumasama kayna Bea. Kaya palagi siyang nasa cheerdance at mas lalo siyang sumikat sa school.
Masaya ako para sa kaniya. Pero unti-unti na kasing nagbabago ang ugali niya, natuto na rin siyang mag makeup at mag cutting class. At ang higit sa lahat ay ang mag jowa jowa.
"Genevieve, masaya ka ba sa mga ginagawa mo? Hindi mo ba maiisip ang iisipin sa'yo ng Kuya mo kapag nalaman niyang may boyfriend ka na at nag cu-cutting class ka na?" Malungkot ang tinig na tanong ko sa kaniya.
Imbes na mag paliwanag siya at ituwid ang mali niya ay nagalit pa siya sa akin na para bang kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito.
"Sorry, ha? Hindi kasi ako kagaya mo na good girl at hindi kasi ako pa kitang tao!" Salubong na salubong ang kilay niya at tinalikuran ako.
Hinabol ko pa siya. Pero kalaunan din ay tumigil ako, pinigilan ko ang sarili ko. Dahil ginawa ko naman ang best ko para sabihan siya. Hindi ko na kasalanan kung may mangyaring masama sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6)
Roman d'amourCasa Bilarmino #6 She was his exception, his greatest exception. But she's not ready for love. Hindi naniniwala sa pag-ibig si Daniela dahil sa mga nalalaman niya at nasasaksihan. Tila ba isa iyong banta sa kaniyang puso. Hanggang sa kusang tumibok...