Kabanata 1

13 3 1
                                    

Daniela and I in real life are real friends even if we are just LDR friends. And my attitude towards Daniela my character now and how I think I can say is I really am. Kinuha ko lang 'yong name ng friend ko, co'z why not? Marami din siyang naitulong sa akin especially sa pagsusulat.

Proud kasi ako sa kaniya rin ahihi. Actually magiging nurse na siya. Want ko rin iyon kasi parang exciting kaso teacher ang usto ko kasi gusto ko ng bata. Since 7 years old ay gusto ko na talagang maging teacher kasi nakikita ko sa mga teachers ko, inggitera ako eh HAHAHHAA.

Here's her watty acct. Dadaismsn.



Kabanata 1







Tatlong linggo na ang lumipas simula nang makausap ko ang Kuya ni Genevieve na nagpainis sa akin dahil sa mga sinabi niya.



Nakakairita kayang masabihang isip-bata. Alam ko naman na kasing Grade 8 na ako pero parang pinupunto kasi niya sa akin sa tono ng pananalita niya na ang laki-laki ko na ay nakikipag-away pa ako, daig ko pa ang kinder. Eh masama ba na magalit?







Pero sa tatlong linggo na iyon nag sunod-sunod ang love letter sa loob ng locker ko. Minsan naman nakaipit pa sa notebook ko. Nakakagulat nga, eh. Kasi hindi naman ako naglalabas ng notebook pero bigla na lang na ilalagay doon 'yong love letter. Tapos minsan naman nasa bulsa na ng palda ko. Doon ko talaga na sabi na magaling sa pag lagay itong admirer ko ng love letters.






Pero sorry na lang siya kasi hindi ako handa pa sa mga ganito. Natatakot ako. Tinakot kasi ako ng mga pinsan ko. Sabi kasi nila para ka raw sinasaksak sa puso kapag nagmamahal dahil sa sakit. At saka natatakot ako na baka mapunta sa akin 'yong karma ni Kuya Leandro, babaero kasi iyon.





Palaging nakikipagtaasan ng bilang ng mga naging babae niya kay Kuya Jarrel.






Mabuti pa 'yong Kuya Danilo ko, slight lang. Pero marami talaga siyang naging ex. Hindi nga ako naniniwala sa chismis na may gusto siya sa Lily na iyon, asumera siya kabanas pa.





Nagpakawala ako nang isang malakas na buntong-hininga at sumandal sa upuan ko at tumingala.





Isa pa pala 'yong Kuya ko na iyon. Baka sa akin din mapunta 'yong karma nun. Kaya hindi talaga ako papasok sa relasyon. Saka na kapag handa na ako at talagang sigurado. Kahit pa uso sa mga kaedaran ko ang mag jowa.



Kasi karamihan sa mga kabataan ngayon laro lang ang lahat. At mabilis magbago ang mga desisyon nila at nararamdaman. Baka nga mamaya aliw lang ang hanap nong admirer ko, masyadong masakit sa ego.





"Babaero si Kuya. " sumimangot ako nang marinig ko si Genevieve sa gilid ko.





Para kasing nagpaparinig siya at nakakairita iyon, bakit hindi na lang niya direktang sabihin iyon sa pinaparinggan niya?






Kausap niya ang mga kaklase ko na nakakita sa Kuya niya. Mukha silang interesado sa Niron na iyon unang tingin pa lang sa kanila alam na ang sagot, pero babaero naman.





Puro na lang ba mga babaero ang nakapalibot sa akin?



Napailing ako. Nakakadismaya lang. Kasi akala ko iba siya.




Mabuti pa si Kuya Miguel hindi masyadong babaero, pero kasi may gusto sa kaniya si Ate Jennyrose at mukhang hindi rin magkakagusto sa akin 'yon dahil may isip siya. Tanga na lang ang papatol sa batang katulad ko.




Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon