Kabanata 9

5 2 0
                                    

Kabanata 9



"I don't know what her like. Just buy her a make up or hair tie."

Mabilis na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala akong nakatingin sa kaniya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Problema ng mata mo at ganiyan ka makatingin sa akin?"

"W-wala." Umiwas na lang ako ng tingin.

Pero nakakapagtaka lang kasi hindi niya alam ang mga ayaw at gusto ni Genevieve.

Parang 'di niya kapatid.

Naglakad na ako para mag tingin ng mga magaganda na maireregalo. Sumunod naman siya sa akin habang nakapamulsa at titig na titig sa akin.

"I'm just kidding. I'm her older brother, kaya napakalabo na wala akong alam sa kaniya."

Patay malisya lang ako sa kaniya na hindi nakikinig. Kunwari pa ay namimili ako ng mga bracelet na nahagip ng mga mata ko na tulips ang design.


"Ayaw niya ng mga bulaklak ang design, basta bulaklak." Literal na nabitawan ko ang bracelet agad at lumipat ng puwesto sa likod kong paninda.


Dinampot ko ang cute na maliit na teddy bear na may kagat na heart. "Ang cute!" Mahina akong bumungisngis at mahinang pinisil ang teddy bear.

Sarap kurot-kurutin at dagan-daganan!

"Ayaw niya rin ng teddy bear kasi nakakatamad daw labhan."


Hindi ko binitawan 'yong teddy bear. Napatulala na lang ako. Di ba pwedeng makalusot itong teddy bear na'to? Ang cute pa naman, nakakakonsensiyang hindi bilhin.


"Ayaw," parang batang wika ko nang pilit ibalik ni Niron ang teddy bear sa lagayan.


Kulang na lang ay mag puppy eyes ako sa kaniya h'wag lang 'yon ibalik.


"Ibalik mo na," hirap pa siyang sabihin iyon dahil ginamitan ko talaga ng puwersa iyon para hindi niya makuha.

"A-ayaw."

Napabuntong hininga na lang siya at binitawan ang teddy bear na animo'y sumusuko na sa pakikipagtalo sa akin kaya napangiti naman ako.

"Sa'yo na lang 'yan. Ako na lang magbabayad. Samahan mo na lang akong hanapan siya ng regalo."


Parang nag liwanag ang mukha ko. Gagawin niya talaga 'yon? Pero bakit naman niya ako bibilhan nitong teddy bear? Na konsensya siguro.

"Pero pumili ka pa ng iba na walang kulay pula," dugtong niya at pumili. Parang tumigil naman ang mundo ko sa sinabi niya at napatitig sa kaniya.

Parang naestatwa rin ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniyang likuran.


Biglang sumagi sa isip ko 'yong poems na ginagawa sa akin. Kahit pa hindi pa rin ito nagpapakilala ay may hinala na ako kung sino ito.


Bumukas sara ang bibig ko pero bakit ganoon? Bakit hindi ko magawang makapag-salita? Bakit pakiramdam ko kinokontrol ang dila ko?


Pero bakit naman gagawin iyon ni Niron? Gusto niya ako? Di ba sabi niya sa akin ay bata ako?

Para akong hangin na nakasunod lang sa kaniya sa sobrang pag-iisip ko sa kaniya.

Itatanong ko ba o hindi? Pero wala namang mali kung itanong ko di ba?


"Tara na."

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang mababa niyang tinig. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya na titig na titig sa akin. Parang kanina pa niya ako pinagmamasdan at parang nakatunog na rin siya.


Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon