Kabanata 7

15 2 0
                                    

Kabanata 7



"Oy hala! Marunong gumamit ng tanka at haiku admirer mo! Sureball akong grade 9 na iyan!" Pumapalakpak pa si Monique habang sinasabi niya 'yon.

Seryoso naman akong nakikinig sa kaniya at tumatango-tango pa. Pag dating kasi sa mga ganito magaling si Monique, imbestigador rin 'yan siya. Kung saan-saang lupalop ng mundo napupunta 'yong mga source niya.

Pinabasa ko kasi sa kaniya ang tanka na title na rosas na galing sa admirer ko na iyan.

Rosas ay mapupula
Nais kang makapiling
Sa liwanag at
Ganda mo'y nagniningning
Ako'y napraning.

— Kiyoshi.

"Ay what if hapon 'yan, di ba?!" Hula na naman ni Monique nang sabihin ko sa kaniya ang pangalan. Napahampas pa siya sa hita ko at daig pa niya ang chismosa na na bigla sa chika kung makaturo sa akin.


"Hay nako! Ang ganda talaga ng lahi natin. We should be thankful to our mga ninuno!"

Ayan na naman siya.

Napanguso ako. Minsan ayaw ko ring kausap itong si Monique. Super mahangin siya.

"Pero hindi ka ba nagtataka na puro poem ang binibigay niya sa'yo? Tapos alam pa niya ang mga hates at gusto mo? Hindi ba sumagi sa isip mo na baka nakakasama o nakakausap mo na pala iyang admirer mong 'yan?" Tiningnan pa niya ang hawak kong sobre.

Niyuko ko 'yon at pinakatitigan ko ang pangalan na ngayon lang niya ginawa. Pero parang wala namang ganitong pangalan sa school namin eh.

Kiyoshi Satoshi.

Apelyido ba niya 'yong Satoshi? Lakas naman ng loob niyang magpakilala. Hindi ba siya natatakot na i-search ko ang name niya sa internet?

Para sa akin kasi ang mga admirer na 'yan para lang sa mga torpe 'yan. Kagaya na lang nito, hindi na lang magpakita sa akin pinapahirapan pa ako sa gabi kaka-isip kung sino ba talaga siya.

Wala naman akong dapat pakialam sa pagkatao niya pero hindi ko talaga mapigilan ang kuryosidad na patuloy na bumubuhay sa akin.

Napapa-isip kasi ako sa kaniya. Bigla na lang akong na cu-curious, kasi lahat ng sinasabi ko sa isang tao ay alam niya. Pero napaka imposible namang si Niron ang admirer ko, eh halos batang paslit nga lang ang tingin sa'kin niyan eh.

At saka malayo ang Kiyoshi sa Niron, okay?

Pero bukod kasi sa parents ko at Kuya ko at si Niron lang ang nakaka-alam tungkol sa mga hates ko. Nasabi ko na rin dahil din naman nag tanong siya noong nilibre niya ako ng ice cream, bigla na lang bumuka ang bibig ko at sa inis ko na sabi ko ang lahat ng 'yon.

Tatanungin ko ba siya?

Bigla akong napatanong sa sarili ko nang makita ko siyang pababa ng hagdan.

Tumagilid ang ulo ko. Na karaniwan kong ginagawa sa tuwing magpapasya ako na may pagdadalawang isip.

"Niron!" May humabol sa kaniyang babae at yumakap pa ito sa braso niya, gano'n na lang ang pagkakakuyom ng kamay ko nang makitang si Eva ito.

Umusbong din ang inis sa dibdib ko.

That bitch!

Hindi pa ba siya kontento sa Kuya ko at may pa yakap-yakap pa siyang nalalaman kay Niron?!

I hate her so much talaga. Kaya hindi talaga ako papayag na siya ang ending ng Kuya ko, sureball ako na magtatanong pa lang ang padre kung may tututol ba sa kasal nila ay magsasalita na agad ako, uunahan ko na agad ang padre.

Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon