Kabanata 8

6 2 0
                                    

Not edited

Kabanata 8

"Dan, sorry pala sa mga nagawa ko sa'yo nitong nakaraan. Mainit lang kasi ang ulo ko dahil sa mga nangyari, I'm hoping na mapatawad mo pa ako."

Sinabi niya 'yon sa akin nang makalayo kami sa Kuya niya.

Tumango naman ako kasi naiintidihan ko naman ang pakiramdam na bumagsak sa isang subject kahit hindi pa nangyayari sa akin 'yon, naiintindihan ko rin siya kasi baka may family problem din.

"Okay lang. Okay ka na ba?"

Napatitig siya sa akin, pagkakuwan ay ngumiti ito. Pero may kakaiba sa ngiti niya. "Oo naman." Mas lumaki ang ngiti niya kaya kumunot ang noo ko. "Ikaw ha, kayo na ba ng Kuya ko?"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napalinga bigla sa paligid. "Hoy hindi ah!" Sabi ko pagkaharap ko sa kaniya.


Pero ang mapanukso niyang ngiti ay naroon pa rin.

Kagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko.

Bakit ako ngumi-ngiti?


"Ayan oh! Nagpipigil ka ng ngiti. Ibig sabihin niyan may gusto ka sa Kuya ko!" Siniko pa niya ako kaya halos matumba ako, bigla rin kasi akong natameme.


Malabong mangyari 'yon. Sobrang labo...

"Sige na, Dan! Sumama ka na birthday ko naman. May party sa bahay at saka sabi ni Lolo p'wede raw na mag-aya ako ng mga friends ko." Yumakap pa sa braso ko si Genevieve nang sabihin niya 'yon habang naka ngiti sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napa isip. Sa March 15 naman ang birthday ni Genevieve, linggo 'yon kaya kaya naman.

Pero pahinga ko kasi sa linggo at nag sisimba kami tuwing linggo. Pero tuwing umaga naman kami nagsisimba kaya kaya ko pa naman. Kaso hindi nga lang ako makakapag pahinga.

"Ah, sige. Sunduin niyo na lang ako sa amin. Magpapa alam lang ako kay na Mama."

Pag bigyan ko na lang tutal birthday naman niya at saka kaibigan ko rin naman siya. Mabuti nga na medyo okay na kami kahit na bigla ako na nakipagbati siya sa akin agad.

Baka pinakiusapan siya ng Kuya niya kaya siya nakipagbati. Siguro ayaw lang ni Niron na ganoon ang ugali ni Genevieve, kasi kahit ako na bigla rin ako na gano'n na lang kabilis magbago ng ugali niya. Nag-simula lang naman 'yon nang mapalapit siya kayna Bea.

Siguro nahawaan ng kademonyohan.

Pero kahit medyo okay na kami ni Genevieve mas sumasama pa rin siya kayna Bea. Hindi ako makasama kasi galit sa akin si Bea dahil sa huli naming pinag-awayan.


Okay lang naman sa akin pero nalulungkot ako at...nagseselos.

Hirap na hirap akong aminin sa sarili ko 'yon dahil ayaw ko kay Genevieve pero noon pa 'yon, tapos bigla na lang akong magseselos kasi mas sumasama pa siya kay na Bea kaysa sa akin.


"Ito dapat ang i-suot mo!" Patulak na binigay sa akin ni Genevieve ang off shoulder niyang dress na hanggang legs lang ang haba, at hindi pa umabot sa ibabaw ng tuhod.


Ngumiwi ako sa kaniya pero hindi na ako nag reklamo. Tinggap ko lang iyon dahil sa birthday niya naman ko iyon isusuot.


Malaki ang ngiti niya pero iba ang sinasabi ng mata niya.

"Hindi mo kasama sina Bea?"

"Hindi. May mga lakad kasi sila. And I want you here, I want us to be alone because I missed you!" She kissed my cheeks.


Chasing the Exception (Casa Bilarmino #6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon