Chapter 1

35 2 0
                                    

Have you ever found yourself owing someone a debt that wasn’t even yours to begin with? Paying off a debt that you didn't incur, but it's your obligation because you're connected to it. Somehow, you're part of it. You know, deep down, that you played a part.
 
A debt of gratitude is like an interest on a loan you didn’t take out, but somehow, it falls on you to repay it.

Sa buhay, may mga bagay na kailangan mong akuin kahit hindi ikaw ang may sala. At sa bawat pag bayad mo, isang bahagi ng sarili mo ang nawawala.

Alex:
Hi, Lazarte. Kamusta?

"Hoy, tinitingnan ka ni Ma'am."

I immediately hid my phone when I heard Dustine's voice. Sinilip ko si Ma'am na nagsasalita sa harap. Nakaupo ito habang may libro sa desk table.

Inirapan ko si Dustine dahil sa kasinungalingan niya. Malayo siya ng ilang upuan sa akin pero nagagawa niya akong bwesitin.

Originally, hindi kasali si Dustine at ibang friends namin sa class na‘to. They're marketing students! Pero dahil wala raw ang major professor nila, they asked our professor na maki-sit in muna.

They're lying! Tapos na ang major class nila! Vacant nila ngayon!

They even promise not to bother the class pero sino bang niloko nila? Nagsisimula na nga silang magbulungan sa tabi.

I have four courses for this first term. Nasa ikatlong course na kami, and it's our major FMP4 monetary policy and central banking.
 
“Kaka-start lang ng academic year pero palong palo ka na sa pagiging late tapos nahuli ka pang nag-cellphone.”

“Hindi ako nahuli!” Depensa ko sa sarili sa katabing si Cassandra.

"Nahuli ka. Hinayaan ka lang ni Ma'am.” Mahinang sagot niya bago itinuon ang atensyon sa harap.

Isa iyon sa gumulat sa akin nang tumuntong ako ng kolehiyo. Ang dami kong culture shock! Pwede kang lumabas kahit kailan mo gusto dahil wala silang pakialam! Sa high school, magtataas ka pa ng kamay at magpapaalam. Hinahayaan lang din ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase. Wala rin silang pakialam kung makinig ka sa discussion o hindi dahil ikaw naman ang kawawa sa huli lalo na kung matatawag ka.
 
3rd year college na ako, pero hindi pa rin ako sanay minsan. Kinakabahan pa rin ako at nakalilimutan kong wala silang pakialam. Pero iba iba naman kasi ng professor every course, every semester, kaya malay mo naman iba sila diba?

Tungkol sa mga bangko ang dini-discuss ni Ma'am ngayon. Kung tutuusin, common knowledge na siya.

Hindi ko na nilabas ulit ang cellphone ko kahit naramdaman ko ang pag-vibrate no’n sa bulsa ng uniform ko. I tried very hard to focus.

Sabi nga ni Ma'am, wala kang naiintindihan kasi kulang ka sa focus. Papasok sandali sa utak mo ‘yong lesson, saka lalabas din pagkatapos ng klase. Sinubukan kong h‘wag lumutang ang isip ko.

“Pero anong difference ng saving deposit and current deposit account?”

Napakurap-kurap ako. Saving deposit... Current deposit... Difference? Pucha, ano nga ba? Ano ba ‘yan?

Nagtama ang mga mata namin ni Ma'am. Nililibot nito ang tingin sa klase, naghahanap ng makakasagot sa tanong niya.

Nasa third row kasi ako nakaupo, sa pinakagitna. Sa left side namin ay apat na nakadikit na mga upuan, at ganoon din sa right side. Habang sa gitna ay dalawang upuang nakadikit lang. Official seat arrangement na‘to at katabi ko ang kaibigan ko.

Malapit lang din ang table ni Ma'am sa mga upuan kaya kitang kita niya talaga kaming lahat lalo pa‘t hindi naman ganoon kadami ang financial management 3rd year students. Dumami lang ang students niya ngayon dahil sa marketing students na naki-sit in—specifically, our friends na gusto lang naman yata kami guluhin sa klase.

When the Dust LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon