Alex:
Good morning, FioIlang araw. Ilang araw din akong kinukulit nang kinukulit ni Alex matapos no’ng hanapin niya ang room number ng finance class ko. I keep ignoring him. I made him feel that I don't like his presence, pero manhid yata siya! I'm disappointed but not surprised dahil noon pa man, ganito na siya.
Drained ako lagi sa klase at dumagdag pa roon ang pagod na parang may lagi akong pinagtataguan sa school!
I fucking hate this because I feel hopeless! Bakit ako pa ang nag a-adjust sa kaniya? I freaking spent 2 years here and he just transferred! Siya dapat ang nag a-adjust, e!
“Girl, tell him directly. Confront him.”
BACC 7 class namin, research study. Nagagawa naming mag usap kahit may klase dahil magkakatabi lang kami ng upuan.
“Ako nahihirapan sa‘yo, e.” Dagdag ni Sanra sa sinabi niya.
“Hindi naman puwedeng lagi kang umiwas, Fio. Ang kapal naman ng mukha niya? He needs to know his boundaries!” Claizhyl gritted her teeth.
“Right. You can't be polite and nice all the time. Why are you respecting him when he can't give it to you? Slap him with your words. He needs to wake up.” Kunot na kunot na ang noo ni Sanra. Any moment ay sasabog na sila.
“Ate ha, hindi masamang mang turn down.”
“I know. I've been doing that—”
“Then do it again.” Claizhyl cut me off. “H’wag mong isipin anong mararamdaman niya after. Ang isipin mo, ‘yong nararamdaman mo. He's being too much already. Parang hindi ka niya hinahayaang huminga sa presensya niya. Andyan siya lagi sa social media at personal. Sabihan mo ‘ko, sampalin ko ‘yon.”
I feel like I already did everything I can. I already turned him down a lot of times. For how many years, I've been doing that.
Kahit ang iwasan siya, hindi umeepekto. Andyan pa rin siya. He won't just stop until he gets me. And it's somehow sad because I feel like he's not respecting himself anymore, even though I keep rejecting him. Kahit iyon nalang sana ang ibigay niya sa sarili niya.
“Okay.” I nodded.
Maybe... Maybe he will listen now? Baka naman bukas na ang mga tenga niya para makinig. Para umintindi.
The bell rang, ending our class. Vacant na namin ngayon.
“Rest room muna kami! Retouch!” Pagpaalam ni Sanra and Claizhyl.
Unti unting naubos ang tao sa classroom. Tiningnan ko ang bawat sulok ng classroom at hindi ko na makita ang iba pa naming mga kaibigan. Nasaan si Cassandra? Si Rica? Sina Althea?
I decided to go downstairs dahil baka nandoon na silang lahat naghihintay. Hanggang makarating ako sa harap ng gym, walang presensya nila ang nagparamdam.
“Fio.”
Lumingon ako. Si Dustine. Akala ko absent ‘to? Hindi siya pumasok sa Law 3 namin.
“Pumasok ka pa?”
“Baka ma-miss mo.”
Napangiwi ako. Walang kwenta.
I showed my middle finger as a response which made him panic. Bawal kasi iyon dito sa school. Bawal kung may makakakita! He held my middle finger. Binaba niya iyon at luminga linga. Kabado naman masyado ‘to.
“Iyong jacket ko pala?” aniya matapos masigurong walang nakatingin. Hawak niya pa rin ang daliri ko.
“Dala ko. Atat naman nito. Nilabhan pa kasi!” I answered.
BINABASA MO ANG
When the Dust Lies
RomanceIn the world of college life, Fiorisce Lazarte is struggling with an unwelcome suitor who refuses to take no for an answer. This suitor, once a high school acquaintance, has transferred to her school. To ward off his relentless advances, one of her...