Chapter 3

20 2 0
                                    

Althea Kyra:
May prof na raw tayo sa law3. Huwag kayong ma-late, strict daw si attorney sa gano'n sabi ng HRDM. Na-meet daw nila si attorney kahapon.

Hindi pa tuluyang nakabukas ang mga mata ko nang buksan ko ang cellphone ko habang nakahiga pa rin sa kama. Nang mabasa ang message ni Althea sa group chat namin, nilapag ko ulit ang cellphone sa bedside table bago hinayaan ang mga matang pumikit.

Law 3. Attorney. Strict.

Napadilat ako. Fuck???

Pabigla akong bumangon at tiningnan ang oras. 11:59 AM. What the fuck?

Wala akong oras na sinayang. Hindi ko na rin hinayaan ang sarili ko na kumain dahil tingin ko kakapusin ako sa oras. 1 PM na nang matapos ako at 1:30 PM naman ang start ng class namin sa Law 3.

Naiiyak na nag tipa ako sa cellphone ko. I didn't bother checking the messages I got on Messenger. Instead, tinawagan ko si Nanay.

“Nanay...” Naglalambing kong tawag.

Oh, 'nak? May problema ba?” Sagot nito, may bahid na pag-aalala sa boses.

“Nasaan ka po?”

Nasa palengke, bakit?

“Kasi... papasok na ako... bawal daw ma-late e, mapapagalitan daw ni attorney. Puwede po pasuyo?” Agad nitong naintindihan ang ibig kong sabihin.

Hay nako kang bata ka! Oh sige, tatawagin ko ang Kuya mo. Hintayin mo.

Naglambing pa muna ako bago ko binaba ang tawag. Hindi talaga ako matitiis ni Nanay. Never pa nagalit sa akin ‘yon!

Habang naghihintay kay Kuya sa gilid ng kalsada, hindi na rin matigil ang mga paa ko sa iisang puwesto. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Hindi ako kinakabahan pumasok ng late dati kasi okay lang sa mga professor ko, pero ngayon? Hihimatayin na yata ako sa nalaman ko!

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Hindi lahat ng professor pare-pareho! Puwedeng okay lang sa kanila ma-late, mag cellphone, pero may iba ring hindi okay roon! Kaya noon pa man nag iingat na ako. Kinikilala ko muna ang professor kung terror ba o hindi.

A black motorcycle stopped in front of where I'm standing. Agad ko ring nakilala iyon. Si Kuya. Suwabe nitong hinubad ang black helmet niya pero nagulo pa rin ang buhok niya. Tirik na tirik ang araw pero naka black jacket ito.

Tiningnan niya muna ang itim na relo niya bago ako tiningnan. “May trabaho ako. Late ka na?”

Pinigilan ko ang mapanguso. We're not really close. “Hindi pa naman, Kuya.”

He nodded. Kinuha niya ang isang helmet at binigay sa akin, bago niya tahimik na sinuot ulit ang sa kaniya. Nang maayos na akong nakasakay sa likod ng motorcycle, I saw him glance at the side mirror to check on me. Nang masigurong ayos na ako, pinaharurot niya na ang pag takbo ng motorcycle dahilan para mapakapit ako sa likuran.

Hindi yata si attorney ang makikita ko ngayon, si San Pedro na yata.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil ang motorcycle sa gilid ng school. Nang hinubad ko ang helmet, nakita ko agad ang itsura ko sa side mirror.

Napalabi ako sa sobrang sabog ng buhok ko. Tutuksuhin na naman ako ng gagong Dustine na nauna nang nagbakasyon ang mga buhok ko kesa sa akin!

Napapikit ako nang maalalang wala na naman akong suklay na dala. Please self, alalahanin mo na mag dala sa susunod.

“Akala ko ba late ka na? Hindi ka pa bababa?” Saka lang ako nakabalik sa reyalidad nang marinig iyon. Ang sungit!

Binigay ko sa kaniya ang helmet na siyang kinuha niya rin agad. “H'wag mo na akong hintayin makaalis. Pumasok ka na,” sabi niya pa nang makitang nakatayo pa rin ako sa puwesto ko, nakatanaw sa kaniya. Psh.

When the Dust LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon