Chapter 6

10 0 0
                                    

When I got out of the classroom, my eyebrows automatically raised when I saw James sitting at the stairs. From his phone, he looked up to me before returning his attention to his phone again silently.
 
I sighed and didn't talk or even ask. Obvious naman kung bakit siya nandyan. Nagbabantay. Paniguradong nautusan.
 
Binalik ko ang tingin sa classroom para tingnan ang number no'n sa itaas ng pinto. Room 208. Nasa pinakadulo iyon kaya sa gilid no'n ay hagdan na, kung nasaan si James.
 
Nang talikuran ko siya para sumunod kay Dustine, naramdaman ko ang pag galaw niya. Tahimik na sumunod na rin dahil wala na rin naman siyang babantayan doon.
 
Sa kabilang dulo, natatanaw ko mula rito ang ibang mga kaibigan namin. Si Davin at Almond na nasa hagdan, habang ang mga babae ay pasimpleng nakatanaw sa baba mula rito sa second floor.
 
Para silang takot na may mahuling krimen na sangkot sila!

“Tapos na?” Ngisi ni Davin at may gana pang sumilip sa akin mula sa harapan ni Dustine.

“Wala kaming ginawa.” Ako ang sumagot, nakahabol na sa paglalakad ni Dustine.

Davin let out a hearty laugh. “Oo nga, Fio. Tapos na ba kayong mag usap ang tinatanong ko, ano pa ba?”

I rolled my eyes and he laughed again seeing my reaction. Ako pa talaga ang niloko niya.

“Sa susunod na mag...” Tiningnan ako ni Althea at tumikhim. “Mag usap kayo, sabihan niyo kami.”

“Bakit?” I frowned.

Sanra and Claizhyl looked at each other meaningfully. Rica shook her head in disbelief, and Althea gasped, her stares are accusing me of something.

“B-Bago pa ang issue, Fio! Mabuti na 'yong maalerto kami para magbantay! Baka may makakita sa inyo at isumbong pa kayo. Pahupain muna natin.” Althea tried explaining. Para na itong naging nanay na handa akong pagalitan.

“We won't do anything!” I spoke frustratedly. “You guys need to clean your dirty minds.”

Dustine chuckled, clearly amused by what is happening. Nang tumabi siya sa akin, hinila agad siya ni Davin. I looked at what he did with frustration.

Nag taas agad ito ng mga kamay nang makita ang paraan ng pag tingin ko. “Magpa-miss muna kayo sa isat isa. Quarantine muna.”

They're unbelievable!! Tingin nila na-fu-frustrate ako kasi nilalayo nila sa akin si Dustine at ma-mi-miss ko?! E, naiirita ako sa mga iniisip nila at hindi dahil doon! Pakialam ko sa isang 'yan?!

I sighed, calming myself before I spoke to explain. “Hindi kami, okay? Walang kami. We're not a thing and never will be.”

The girls fell silent, pinapakiramdaman kung ano ang totoo. While Davin raised his brow at me.

“Sinasabi mo lang yata ‘yan.”

Pigilan sana ni Joy si Anger sa pag pindot ng button sa utak ko para hindi ko masuntok itong si Davin.

“Bakit kayo naghalikan?” Cassandra asked, confused.

“Friendly kiss?” Davin chuckled.

“May tinatawag din na friendly punch, Davin.” That made him laugh more and slightly step back.

“Baka naman aksidenteng napunta ang labi ni Fio sa labi ni Dustine?” Ngumiwi si Rica matapos sabihin iyon. Kahit ang sarili niya hindi niya mapaniwala sa sinabi.

“Is it Alex?” Sanra inserted. Kahit si Claizhyl sa tabi ay seryoso akong tingnan. Nanahimik ang iba, nahawa sa kanila.

“We talked yesterday. Nagkausap ba kayo?” Sanra then looked at our friends. “Aware naman siguro kayo sa lalaking iyon?”

When the Dust LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon