I just woke up. It's already 12 PM. Saglit ko lang binuksan ang data ng phone ko bago hinayaan iyon sa ibabaw ng bedside table na sunod sunod na tumunog.
"Shit!” I hurriedly prepared my departmental shirt and a knee-length skirt.
1 PM ang orientation and attendance is a must iyon! Malalaman pag late ako kasi hawak ng department officers iyong papel!
Hindi ko na inayos ang pag ligo ko dahil sa pagmamadali. Bakit kasi hindi ako morning person?!
Mabilis akong nag sipilyo. Ilang minuto lang nilaan ko doon bago sunod na inayos ang sarili at ang suot.
Nasanay na sila Nanay na matagal akong gumising. Hinahayaan nila akong magpuyat, pero ikaw na rin ang bahala sa sarili mong magising ng maaga kinabukasan dahil iyon ang utos ni Daddy!
“Argh.” I groaned. Hindi na maintindihan anong uunahin.
12:45 PM nang matapos ako. I hissed before grabbing my phone on top of the bedside table. Ang daming notifications no'n pero ang una kong hinanap ay ang alarm clock.
You missed an alarm.
Napairap ako. Bagong cellphone itong gamit ko ngayon kaya hindi ako sanay sa tunog nito. Malamang sa malamang hindi ako magigising! Gusto yata ng katawan ko 'yong naka-speaker pa na alarm.
Sunod kong tiningnan ang mga messages ko. Ang dami no’n. Ang iba, isa isa galing sa magagaling kong mga kaibigan.
Instead of opening their messages one by one, ang group chat ang inuna ko.
Princess Rica:
Sleeping beauty paRolando:
May aagaw na yata ng pagiging prinsesa mo Rica HAHAHAHAHAHACassandra Rae:
Ano, te? @Fiorisce Gusto mo bang magpa-red carpet muna?Althea Kyra:
Hindi mo naman yata pinaalalahanan, Dustine!Dustine:
Ako na naman may kasalanan?
Sinabihan ko na nga kagabi
Hayaan niyo yan
Siya mag linis ng CR mag isa sabi ng OSA as punishment
Di kayo nakikinig sa finance niyo. Sabi ni Ma'am Mille, may punishment para 'di umulitAba. Hindi ko maiwasang umirap habang nagbabasa. Minsan nagiging isa na talaga ang dalawa kong kilay.
Davin Joy
Idol talaga HAHAHAHAHA mas nakinig pa sa'kin 'yanClaizhyl:
Te @Fiorisce ikaw nalang daw mag host sabi ng deanSanra:
OMG, nasaan ba attendance niyo? Someone should get it! Attendance niyo nalang!Blanche:
Nasulat ko na. Ingay niyo.Madami pang kasunod iyon. Balak ko pa sana silang pag murahin nang makita kong 10 minutes nalang ay 1 PM na!
Mabilis kong pinasok ang paa ko sa white shoes ko. Pag hinuhubad ko kasi iyon hindi ko na ina-untie, kaya diretso pasok na ang mga paa ko roon pag sinusuot. Nakaka-save sa oras.
Hindi pa nakatulong ang paghihintay ko ng masasakyan sa daan. Nang makasakay ako ng tricycle, 1 PM na. Pucha.
Alikabok:
Hoy, sa'n ka na?Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng ma-receive 'yong message.
Fiorisce:
Lapit na. Save mo'ko seatAlikabok:
Ubos na mga upuanFiorisce:
'Di wowTalagang ni-react niya pa ng tumatawang emoji!
BINABASA MO ANG
When the Dust Lies
RomanceIn the whirlwind of college life, Fiorisce Lazarte faces a relentless challenge: an unwelcome suitor from her high school days who refuses to take no for an answer. When this determined admirer transfers to her school, Fiorisce takes drastic action...