Alikabok:
Hindi ba uso matulog sa'yo?Fiorisce:
NopeIt's already 1 A.M.
Ewan ko ba bakit mas inaantok ako sa umaga kesa sa gabi. Ang weird kasi hindi ako makatulog kahit gustuhin ko, tapos kapag naman kailangan na gumising, doon na ako lalabanan ng sobrang kaantukan.
Alikabok:
Sakit pa yata matatakot sa'yoFiorisce:
Worried about your girlfriend now, mister?I giggled seeing the message I sent, copying what he told me last night.
Alikabok:
Yes, my love. Please take a rest na po <3I rolled my eyes. Naramdaman ko ang pangangalay ng panga ko sa pagpipigil sa magiging reaksyon ko sa mensahe niya.
That was flirting, ew.
May heart emoji pa! Ew!
Fiorisce:
Hindi naman ako tulad mo, mabilis dapuan ng sakitDumapa ako sa kama habang nag hihintay ng reply niya. Madilim na sa kwarto ko at nagsisimula na lumamig ang paligid kaya inayos ko rin ang kumot ko.
Alikabok:
I told you hindi ako ang may sakitFiorisce:
Sino pala kung ganoon ang binilhan mo ng gamot?Alikabok:
Jealous?Agad kong hinanap ang emoji na makapag e-explain ng nararamdaman ko.
Fiorisce:
🤮Alikabok:
Maling emoji yata napindot, ah? hahahaAlikabok:
Pinsan ko binilhan ko ng gamotTinitigan ko ang mensahe niya. Hindi naman talaga niya kailangan sagutin iyon! Okay lang kung hindi, at hindi rin importante pa para sagutin niya!
Alikabok:
Sleeping?Fiorisce:
OoAlikabok:
Wow, niceHindi ko maiwasang matawa sa simpleng reply niya. That night, I fell asleep with the cellphone in my hand still open, my lips smiling like I was dreaming of some romantic scenes.
Althea (Law 3 beadle):
No class today, guys!Nanguna ako sa nag react ng heart doon. Kung kailan hindi ako ganoong late gumising, saka naman wala si attorney!
It was confirmed na si attorney ang magtuturo sa amin ng negotiable instrument, law 3.
Pinili ko pa ring pumasok kahit wala pa akong klase. Sa cafeteria ako tumambay habang naghihintay na lumipas ang oras. Isa isa na ring dumating ang mga kaibigan ko.
"Iyong 10 pesos niyo!" Nakabukas ang palad ni Althea sa harapan namin. Nakatayo siya sa gilid ng lamesa, habang nakaupo naman kami, nakatingala sa kaniya.
"Mamaya nalang 'yan, Thea!"
"Hindi pa nakaupo pwet niya, nangongolekta na siya."
"Ngayon na! Para makauwi ako agad mamayang gabi! Hirap pa naman kayong kolektahan isa isa!" Mas inilapit ni Althea ang mga kamay niya sa amin, nanatiling nasa ere. "Nangangalay na ako, ha!"
Walang nagawa ang iba kundi ngumuso at mag bigay ng ten pesos sa mga kamay niya. Ang iba pa ay nagrereklamo pa rin pero nag bigay pa rin kaya nanatili akong tumatawa.
"Sa'yo, Fio! Tumatakas ka pa naman!"
Tumigil ako sa pag tawa. "Hoy, grabe! Binibiro lang naman kita lagi, Thea! Ang cute mo kasi mapikon!"
BINABASA MO ANG
When the Dust Lies
RomanceIn the whirlwind of college life, Fiorisce Lazarte faces a relentless challenge: an unwelcome suitor from her high school days who refuses to take no for an answer. When this determined admirer transfers to her school, Fiorisce takes drastic action...