“Negotiable instrument is a written contract for payment. It doesn't refer money itself but rather the written document that represents a promise. Examples of it are the check, promissory note, and bill of exchange. It can be passed by hand to hand.”
Blanche sat down after answering the attorney’s question. It's our LAW 3 class and we're having a recitation. Unang pasok niya palang ay pinaulanan niya na kami ng mga tanong kaya tense ang lahat na baka matawag ang pangalan.
Kahapon niya lang binigay ang papers na kailangan namin aralin para sa recitation ngayon kaya nag sunog talaga ako ng kilay kagabi!
“Lazarte.”
I pressed my lips together upon hearing my name. Sabi na nga ba! Sana man lang naaral ko iyong itatanong niya! Dahil kung hindi, ako nalang ang kukusang lalabas!
“Promissory note, bill of exchange, check.”
Nagtitipid ba ng salita si attorney?
Huminga ako ng malalim. I even heard my friends teasing.
“Nagpuyat ‘yan kaaaral, attorney. Kahit anong tanong, sa kaniya niyo na itanong.”
Lumulusot lang kayo para hindi matawag, e! I glared at them. Umamo lang nang humarap ulit kay attorney.
“Promissory note is a written promise by a person to pay specified amount to another person either on demand or at a future date. Usually po, sa school nagagamit siya pag hindi pa makakapag bayad ang students sa tuition nila.”
He didn't give me a reaction. He was just in front, listening to me with a poker face. Kaya hindi mo malalaman kung tama ang pinagsasabi mo. Good thing is, wala siyang pakialam kung tama o hindi ang sasabihin mo basta ay sasagot ka.
I licked my lower lip before continuing. “Bill of exchange is a written order by one person to another person to pay specified amount to third party. Iyong promissory note po kasi, may maker which is iyong gumawa ng document, at may payee which is iyong tatanggap ng payment. Habang sa bill of exchange naman, may tatlong parties which is yong drawer o gumagawa ng document. And may drawee who is ordered by drawer to pay to payee. While check is a paper, a type of bill of exchange drawn on a bank.”
Nang umupo ako, isa isang pumalakpak ng mahina ang mga kaibigan ko, nakangisi sa akin. Inirapan ko lang sila nang masigurong wala sa akin ang atensyon ni attorney.
“What if the negotiable instrument that you are holding has issues, Valencia? Invalid na ba?”
Nilingon ko si Dustine na dahan dahang tumayo at malalim ang iniisip. Nilingon niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ano? Nasa akin ba ang utak niya kaya kailangan niya pa akong lingunin? Sagutan mo ‘yan! Tapos na ako, kaya ikaw naman ang manginig!
Kinamot niya ang gilid ng sintido. “Uh, it depends, attorney.”
“How so?” Otomatikong tumaas ang kilay ni attorney.
Napahaplos ako sa braso ko habang tahimik na pinapanood silang magkaharap. Nakakatakot talaga si attorney! Intimidating!
Kaya mo na ‘yan si attorney, Dustine! Malaki ka na!
“Kung alam ng holder na may issue ‘yong document, magkaka-trouble talaga sa pagkuha ng pera. Alam niyang may issue, kinuha pa? Aba, ayos.”
The tense we were feeling disappeared upon hearing what he said. Kahit si attorney ay napangisi habang nakikinig sa kaniyang magsalita. Tarantado talaga.
“So, the document will be invalid?”
“E, hindi rin.” He chuckled. “Kung hindi naman alam ng holder na may issue before receiving the document, magkakaroon siya ng rights na makuha pa rin iyong pera. Magkaka-holder in due course status siya. Po-protektahan siya ng negotiable instrument law.”
BINABASA MO ANG
When the Dust Lies
RomanceIn the world of college life, Fiorisce Lazarte is struggling with an unwelcome suitor who refuses to take no for an answer. This suitor, once a high school acquaintance, has transferred to her school. To ward off his relentless advances, one of her...