PROLOGUE

265 5 0
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.

NOTE:

This is the revised version of my old story INSTANT WIFE, INSTANT MOM that I published in my old account last October 2020. If you ever have read the same story like this, maybe you already read the old one in my old Wattpad account.

_________________________

"Miss bawal po kayong pumasok"

Hindi ko pinansin ang guard at patakbong pumasok sa venue ng party.

"MISSS" sigaw ng guard bago ako hinabol.

Kung saan saan ako nagsusu-suot para lang hindi mahuli ng guard. Napangiti ako ng hindi ko na makita ang guard sa likuran ko.

SUCCESS!! Nakapag gate crash nanaman ako haha

Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil narin siguro sa naka school uniform ako. Samantalang sila ay naka gowns at tuxedos.

Nagulat ako ng may biglang humablot sa braso ko. Pagtingin ko ay bumagsak ang balikat ko. Si Manong guard at galit ang mukha nitong nakatingin sa akin. Mahigpit rin ang pagkakahawak n'ya sa braso ko kaya medyo nasasaktan ako.

"Let go of my hand" inis na utos ko sa kaniya. Siya naman ay ngumisi lang sa akin. Isang ngisi na nakakairita.

Hihilahin na sana ako nito ng biglang may humila sa laylayan ng palda ko. Pagtingin ko rito ay nagulat ako. Isang napaka cute na bata.

"Mommy you're here" Masaya ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Pero wait what? What did this kiddo just call me?

"Get.your.dirty.hand.off.my.wife"

Biglang nanginig ang tuhod ko dahil sa lamig ng boses na nagmula sa bagong dating na lalaki. Walang emosyon ang gwapo nitong mukha na nakatingin sa guard na may hawak sakin. Hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang bata na kamukhang kamuka ng batang nakahawak sa palda ko at tumawag sa aking mommy

Teka, ako ba yung tinutukoy n'yang wife? WHAT THE HELL!!!

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakanganga dahil sa sinabi ng lalaking kaharap ko, pati na rin ang tatlong batang kasama nito.

Kung hindi lang dahil sa kasama nitong mga bata, iisipin ko na talaga na takas mental ang lalaking 'to.

"Close your mouth Wife" Bigla naman akong natauhan dahil sa sinabi niya kaya agad kong itinikom ang bibig ko

OH GOD!

Ano bang pinagsasabi nila?

"I'm sorry Sir Firro. Hindi ko alam na asawa n'yo po pala s'ya. Pasens'ya na po talaga" sabi no Manong guard dito habang nanginginig ang buo nitong katawan. Nagulat rin ako ng bigla itong lumuhod sa harap ng lalaki habang paulit-ulit na humihingi ng pasensya

"Tsk" Walang kahit na anong mababakas na emosyon sa Mukha ng lalaking kaharap ko. Napakalamig din ng boses nito na dinaig pa yata ang North pole.

"Stand up and get your fucking face out of my sight" Matigas at ma-awtoridad nitong utos sa lalaki. Bawat salitang binitiwan nito ay may bahid ng galit. Nagmadaling tumayo ang gwardiya at kumaripas ng takbo paalis.

INSTANT WIFE, INSTANT MOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon