This is it!
Ngayong araw ang competition, at kinakabahan ako! Andidito ako ngayon sa locker para mag bihis na ng susuuotin, at pansin ko na lahat kami ay kinakabahan."Good luck guys!" sabi ng isa sa mga kasama ko. Tumango kaming lahat sa kaniya sa pag sang ayon.
"Ang daming tao ngayon sa labas" kinakabahang sabi ng isa pa naming kasama na sumilip pala sa labas.
Hindi ko alam pero kabang kaba talaga, hindi ko alam kung nanonood ba sila tita pati sila Jay, kasi maaga kaming pinapunta dito, sinabi ko na lang na ngayon na ang laban at excited silang lahat at sabi na manonood raw sila ngayon, pero hindi ko pa sila nakikita.
Sadly sila mommy at daddy ay hindi makaka punta ngayon dahil may emergency raw sila sa company, pwede sana ang outsider pero busy sila, mga kaibigan ko naman ay busy daw kasi may pasok, which i understand naman kasi talagang iba schedule namin at malayo, pero mas maganda sana kung mapapanood nila ako lumaban ngayon.
"Okay guys, let's go!" Sabi ng coach namin kaya tumayo na kaming lahat, pero bago kami luambas nag dasal muna kami.
Kinakabahan ako ng nasa labas na kami, at ang dami ngang tao! pinag masdan ko lahat ng tao na nonood at hinahanap sila tita at pero hindi ko makita sa dami ng mga tao na nanonood.
Siguro marami ang tao dito ngayon kasi ito lang ang may laban sa mga oras na ito at mamaya pa ang iba, ganito pala ang intrams dito, ang daming pwedeng labanan na laban at hindi nila sinasabay sabay ang schedule ng kada palaro para makanood ang lahat, kaya ngayon ang daming tao dito sa swimming compitation.
Nag handa na kaming lahat, kanya kanya ng pwesto, nasa pang lima akong line. At kinakabahan talaga ako habang may nag sasalita sa mic.
Pinag masdan ko ulit ang mga tao, pag tingin ko sa sa may gilid sa may bandang likod nakita ko si Janna, kasama niya iba pa naming kklase. napa ngiti ako ng makita ko siya, at ganon rin siya.
May dala pa siyang banner na "good luck our Nataliegh" napa iling na lang ako, dahil hindi ko naman inexcpect na aabot siya sa pag dala ng banner."Good luck" sabi niya, kahit walang boses yon alam ko na yon, iyon dahil sa pag bukas ng bibig niya.
Nakita ko na si Janna, pero sila Jay ay hindi pa, siguro hindi sila manonood, parang nang lumo ako at tumingin ulit sa mga tao pero diko sila makita.
Tumingin ulit ako kay Janna at may tinuro siya, kumonot ang noo ko at tinignan ang tinuro niya at napangiti ako ng makita ko sila tita, tito Jay at Josh, they're here, they're here to watch me compete, kaya hindi ko ito ipapatalo.Nginitian nila ako at ganon rin ako, simpli akong ngumiti at tumango sa kanila, nag sabi sila sakin ng "good luck" kaya ngumiti pa ako lalo sa kanila.
Sayang at wala dito sila mommy at daddy, hindi nila ako mapapanood, masaya sana kung pati sila ay narito para panoorin ako.Naka pwesto na kaming lahat, hinihintay na lang na pumito ang coach para maka pag simula ng tumalon.
Nilagay na namin ang goggles at pwesto na, at aaminin ko na kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata, baka pati sila tita ay kabahan pag nakita nila ako.
Pag pito ni coach, ay sabay sabay kaming tumalon, lumangoy agad ako, langoy lang ng langoy gamit ang normal stroke sa pag langoy, at ramdam ko ang bilis ko dahil, dahil ang bilis ko maka alis sa pwesto ko, as in ang bilis ko!
Na una ako dumating sa kabilang area, at agad na pinatama ang aking paa doon para maka langoy papunta sa kabila.
Ang bilis, ang bilis kong lumangoy at namamangha ako sa sarili ko dahil hindi kumupas ang galing ko sa pag langoy!
Naramdaman ko ang pag dampi ng kamay ko sa malamig na semento, hudyat na naka dating na ako sa finish. Agad ko tinanggal ang goggles ko at tinignan ang paligid, at napangiti ako ng ako lang ang unang andidito, nasa gitna pa sila, at iba naman ay malapit na makarating sa finish line.
YOU ARE READING
Our Favorite Season
عاطفيةA girl that lost her memory because of the traumatic happened in the past, meet a guy that's bring her memory back.