prologue

27.6K 102 1
                                    

Warning!!!⚠️⚠️⚠️

Rated spg in this chapter. Read at your own risk.

No minors allowed.

🔞🔞🔞🔞🔞🔞

"Anya! Hintayin ka Namin mamaya sa bar. " Bungad na tawag sa akin Ng kaibigan Kong SI Jessa.

"Ke aga aga. Excited mo masyado. " Inis Kong Sabi sa kanya.

"Eh siyempre. Libre mo eh. Kaya excited Ako no" Sabi no.

Napapailing nalang ako habang bumangon at umupo sa gilid Ng kama ko.

"Oo na. Sige. Kita nalang Tayo mamaya. " Sabi ko sa kanya at pinatay na Ang tawag.

Nakapagpaalam na Ako sa employer ko na baka gabihin Ako Ng uwi. Naiintindihan Naman nila.

Mabait Ang mga amo ko. Kaya tumagal Ako Ng sampung taon sa kanila..

Ang mga alaga ko Naman ay malalaki na.

Ayaw pa nga Sana nila akong umalis pero nakiusap Ako na gusto kong tumigil Muna sa pagtatrabaho.

Kinagabihan ay NASA bar na Ako kung saan kami magkikita Ng mga kaibigan ko.

Nakita ko Sina Jessa na nakaupo sa Isang table Kasama Sina daisy, jolan, Abby at Via.

"Hi girls. " Tawag ko sa kanila.

"Oh andito na si banker natin. " Sabi ni Jessa.

"Para Kang Tanga beh" Sabi ni Via.

Nagtawanan lang kami Ng sumimangot SI Jessa.

At Yun nga dahil uuwi na Ako pagkatapos Ng Isang linggo. Nilibre ko Sila.

At di nagtagal may mga Tama na Ang mga Loka Loka.

Nakikipagsayawan na sa mga lalaking nakilala nila.

Kami nalang ni Via Ang naiwan sa table dahil kausap niya Ang jowa niyang foreigner.

Pasado alas dose na at tipsy na Ako kaya napagdesisyonan Kong umuwi na.

Matapos akong magpaalam sa kanila ay lumabas na Ako.

Pero habang papalabas Ako ay may kung Anong masakit na dumapo sa leeg ko.

Nakita ko Ang Isang puting lalaki na nakangiti sa akin habang may hawak itong syringe.

"What the----" di ko na natapos Ang pagsasalita ko Ng bigla akong mahilo.

Naramdaman Kong hinalikan Ng lalaki Ang leeg ko.

Nakaramdam Ako Ng takot. Itinulak ko siya pero unti unti akong nawalan Ng lakas.

Binuhat niya Ako at diko alam kung saan Ako dadalhin.

"Tulong" bulong ko. Diko alam kung may nakakarinig sakin pero sana Meron. "Tulong..." Pilit Kong usal

"Stop. Leave her " Sabi Ng Isang baritonong Boses.

"Tu-tulong" tanging sambit ko

"Why? She's my girlfriend" Sabi Ng banyagang lalaki base sa accent niya.

"No. She's not. Leave her down or I'll call a police now. " Seryoso paring Sabi Ng lalaki.

Binitawan Ako Ng lalaki at kumaripas ito Ng takbo.

Habang Ako Naman ay tila Isang jelly Ang pag galaw.

Akala ko matutumba na Ako Buti nalang at may sumalo sa akin.

Ang bango bango niya.

"Ayos ka lang miss?" Tanong Neto sa akin. Tumango tango lang Ako at ngumiti sa kanya. Tinitigan ko Ang Mukha niya Hanggang sa nawalan na ako Ng Malay.

My Boyfriend's Father (SPG)Where stories live. Discover now