SIMULA

2.3K 37 0
                                    


"Papa tulongan ko na po kayo riyan!" agap ko kay papa ng makitang nahihirapan na itong buhatin ang dalang malaking supot na may laman na mga groceries.

"Salamat anak," aniya ng makuha ko na ito galing sa kamay n'ya. "Kumain ka na ba?" tanong n'ya.

Umiling naman ako. "Hindi pa po e'," sagot ko. "Galing po kasi ako sa hacienda ng mga Cavallaro."

Ang pamilyang Cavallaro ay isa sa sikat na pamilya, hindi lang dahil sa mayaman sila kundi dahil sa mabait ang mag asawang sila donya Marietta at Don Santino.

"Wag kang masyadong mag papagod." Bilin n'ya bago naunang pumasok sa loob ng maliit naming bahay.

Hindi kami mayaman pero sapat na rin naman ang kinikita ni papa sa pag tatrabaho bilang trabahador sa hacienda ng mga Cavallaro. Nag tatrabaho rin ako minsan sa hacienda bilang tigalinis ng mga kuwarto.

"Anak, balita ko ay bibisita raw ang mga anak at apo nila Don Santino.Totoo ba 'yon?" tanong ni papa habang nag papahinga sa mahabang kahoy na upuan.

Tinignan ko s'ya saglit bago ayusin ang mga pinamili. "Ay opo papa, narinig ko rin 'yan sa ibang katulong do'n sa hacienda." sagot ko habang inaayos ang pinamili n'ya.

Narinig ko kasi kanina sa mga katulong roon na bibisita raw ang mga anak at apo ng magasawang Cavallaro at mukhang tatagal ang mga ito ng isang lingo sa hacienda.

"Mukhang maraming gawain ngayon sa hacienda kung gano'n." ani papa na kasalukoyang hinihilot ang sintido.

"Oo nga pala papa, may gagawin po pala ako sa hacienda mamaya. Mag lilinis ako ng mga gagamiting kuwarto ng mga apo nila Donya Marietta." pag papaalam ko.

"Gano'n ba? Kaya mo ba lahat 'yon anak?" tanong n'ya.

Tumawa ako ng mahina. "Para namang pong hindi n'yo ako kilala, Kaya ko' yon."

Tapos na si papa sa gawain sa hacienda kaya ay hindi na s'ya pupunta doon.

"Oh sige, mag iingat ka ro'n at baka makasira ka ng gamit." bilin n'ya.

"Opo." sagot ko.

Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago mag tungo sa hacienda ng mga Cavallaro. Suot ang puting bistida na bigay saakin ng donya.

"Oh nandito kana pala Ophelia!" bungad ni nanay Paula ang mayordoma ng mansyon.

"Magandang hapon po nanay Paula, mag lilinis na po ako ng mga silid." aniya ko.

"Oh sige na at baka dumating na ang mga bisita." aniya at tumalikod na para tignan ang mga ginagawa ng ibang katulong.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at isa-isang nilinis ang mga silid. Apat na silid na ang nalinis ko kaya nandito ako sa pang huling silid.

Sa silid na ito ay napakaraming libro pero hindi ito masyadong makalat gaya ng ibang silid na may mga damit na nakakalat. Ang silid na ito ay hindi magulo at nakaayos ang mga gamit. Alikabok lang talaga ang tatanggalin.

Sinimulan ko na itong linisin hanggang sa matapos. Nag pahinga ako saglit sa pang isahang sofa bago na isipang lumabas na.

Nag lalakad na ako pababa ng may makasalubong akong lalaki. Mukhang wala pa sa mood ang lalaki base sa itsura nito na nakabusangot.

Napayuko ako ng tignan ako nito. "M-Magandang hapon po. . ." Bati ko.

Hindi ito nag salita at nilagpasan lamang ako. Nakaramdam naman ako ng kunting inis dahil sa iniasal nito.

Apaka bastos naman kasi!

"Hello Ophelia!"

Napalingon ako sa sala ng batiin ako ni donya Marietta. May mga kasama s'ya at doon ko lang napagtanto na nakarating na pala ang mga anak at apo nila.

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now