KABANATA 9

1.1K 26 2
                                    

"Aray!" daing ko ng maramdaman ang kirot.

"Shhh, I'm sorry." malambing na bulong ni Xantheus habang dahan-dahang dinadampi ang kanyang hawak na cotton sa medyo na mamaga kong noo.

"Kasalanan mo 'to e! Kung hindi mo ako hinabol edi sana hindi ako madudulas at mauuntog sa pinto!" gigil kong asik sakan'ya.

Kanina ay sinubokan kong tumakas pero hinabol n'ya ako at sa subrang taranta ay nadulas ako na naging dahilan para mauntog ako sa pinto.

"I'm sorry na nga." aniya.

Inirapan ko s'ya at nakabusangot na umiwas ng tingin. Mukhang hindi na ako makakauwi nito, siguradong sermon ang abot ko kay lolo pag uwi ko sa mansyon.

"Uuwi na ako." tinapik ko ang kamay n'ya at tumayo.

Pero hindi pa ako nakakalayo ng yakapin ako nito sa beywang. "No, iiwan mo na naman ako!" maktol nito.

Napahilamos nalamang ako sa mukha. "Kailangan kong umuwi! Magagalit si lolo pag hindi ako umuwi, anong oras na oh." aniya ko at pilit inaalis ang mga nakapulupot n'yang kamay sa beywang ko.

Bumuntong hininga ito. "Fine, pero ihahatid kita." aniya at nauna nang lumabas ng silid.

Bwesit talaga!

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pagbaba namin ay buhay na buhay parin ang diwa ng mga taong nag sasayawan.

Nakalabas na ako ng bahay nila Mavie nang biglang may humintong BMW sa harap ko. Ibinaba ng may ari ang bintana at nakita ko si Xantheus.

"Get in." aniya.

Bagot na sumakay ako.Tahimik ang beyahe at tanging mga paghinga lamang namin ang naririnig. Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay tahimik parin kami.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng hawakan nito ang kamay ko dahilan para lingonin ko s'ya.

"Susundoin kita bukas." iyon lang.

Bumaba na ako agad at saka nag mamadaling pumasok sa malaking gate. Hindi ko alam pero may kung ano na naman akong naramdaman sa dibdib ko.

~*~*~*~

Kinabukasan ay sinundo nga ako ng kumag. Hindi na ako nag protesta pa dahil tinutukso na ako ni lolo.

"Good morning baby." bati nito saakin.

"Morning." tanging balik ko.

Naaasiwa kasi ako sa mukha n'ya tapos kung umasta s'ya eh parang wala s'ya ginawang kagagohan kagabi.

Pinausad na n'ya ang sasakyan. Walang imik-imik na nangyayari sa loob. Hindi ko rin naman gustong makipag-usap sakan'ya.

Inihinto n'ya ang sasakyan ng makarating kami sa school. Nag tataka ako kung bakit alam n'ya na dito ako nag aaral.

"Pano—."

"I always saw you." aniya at bumaba na ng sasakyan.

Pinag buksan n'ya ako ng pinto kaya bumaba narin ako. Para naman ako nakagawa ng kasalanan dahil sa tingin na ibinibigay ng mga kababaihan.

Tangina?!

Nagulat ako ng biglang pumulupot sa beywang ko ang braso ni Xantheus. Sinubokan kong tanggalin pero nag matigas ito.

"Ano ba!" mahinang saway ko rito at bahagyang siniko.

Alam kong dito din naman s'ya nag aaral pero hindi ako sanay na nakadikit ito saakin pag papasok sa school.

Iginaya ako nito kaya hindi na ako nakapalag. Iniiwasan ko nalang ang mga mapanghusgang mga tingin ng mga nadadaanan namin.

Malalagot ako sa ginagawa ng lalaking 'to!

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now