KABANATA 12

1K 18 0
                                    


Tahimik ako habang kaharap si Xantheus. Umalis na si lolo at iniwan kasama ang lalaking ito.

"Kung hinayaan mo nalang kasi akong sumama kay lolo edi sana nasa kuwarto ako ngayon at natutulog." inis ko sumbat.

"Baby im sorry po kung gumising ka na wala ako sa tabi mo." napatitig ako sakanya.

Masama talaga ang loob ko dahil iniwan n'ya ako sa kuwarto para samahan ang babaeng yun.

"Uuwi na ako." akmang tatayo ako ng bigla itong lumapit at yumakap.

"Later, ako mag hahatid sayo." aniya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ayuko, uuwi na ako kahit hindi mo ako ihatid." aniya ko at mahina s'yang tinulak.

"Mamaya na nga. . ." ungot nito.

"Xantheus hindi ako natutuwa, iniwan mo ako para samahan ang babaeng 'yon?!" inis kong sabi.

Timitig ito saakin bago lumitaw ang nakakalokong ngisi."Are you jealous?" tanong nito.

Agad akong natigilan. "J-jealous mo mukha mo!" sigaw ko.

Hindi ako nag seselos at kung nag seselos man ako hindi ko aaminin yun sakanya.

"Okay, if you say so." nakangiti nitong tukso.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Alam mo inaasar mo lang ako kaya mas mabuti pang umuwi nalang ako." wika ko.

"Subokan mo lang na iwan ko dito, itatali talaga kita sa kama." aniya naman nito na ikinalaki ng mga mata ko.

Hinampas ko ito. "Kung ano-anong sinasabi mo!" saway ko sakanya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang lalaking 'to, noong una naman eh sinusungitan ako nito pero ngayon parang sinapian ng kung anong ispirito na maharot.

"Why? Gusto mo gawin ko—."

"Bakla! Halika rito may chika ako sayo!" si Mavie ang pumutol sa sasabihin ni Xantheus.

Agad akong lumapit kay Mavie na pinto. Tinignan ko pa si Xantheus na masama ang tingin kay Mavie.

Hinila naman na ako ni Mavie. "Bhie, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Anong sinasabi mo? Natatae ka lang ata eh." aniya ko.

Umiling ito. "I think im inlove."

"Nako, lagi ka namang inlove eh basta pogi." balik ko.

"Inlove ako sa babaeng nakabangga ko noon sa hallway." aniya at yumuko. "Tangina straight na ba ako?" tanong nito.

Tulala lang ako sakanya habang pinuproseso sa utak ang mga narinig. Para s'yang problemado kung titignan.

"Walang halong biro Mavie?" tanong ko sakanya.

Tumango ito at yumuko. Napatakip naman ako sa sariling bibig dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa kaibigan kong bakla.

"Nalilito na ako Ophelia." aniya at napasabunot sa buhok. "Nung nakita ko s'ya na may kasamang lalake hindi ko alam pero parang gusto kong bugbogin ang gago na 'yon." kwento nito.

Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito. Kung dati ay diring diri s'ya kapag tinutukso ko s'ya sa babae ngayon naman ay inaamin n'ya sa harap ko na inlove s'ya sa isang babae.

"Tulongan mo ako, please gusto ko s'ya!" baling nito saakin.

Napamaang naman ang bibig ko. "Hindi ko naman kilala yang sinasabi mo, kaya paano kita matutulongan?" tanong ko.

Hindi pa naman ako marunong sa mga ganitong bagay dahil ni minsan ay hindi pa naman ako nagkagusto nino man.

"Can you make friends with her?" tanong nito.

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now