KABANATA 15

354 25 3
                                    


Nakatingin lang ako kay Xantheus habang nag mamaneho ito. Hindi mawala ang ngiti sa labi habang patingin-tingin sa kwintas na bigay ko.

"Nagustohan mo ba talaga?" tanong ko sakanya.

Tumango naman ito. "Yes, hindi ko 'to huhubarin kahit sa pag ligo ko." sagot n'ya.

Papunta kami ngayon sa school. Inagahan n'ya talagang pumunta sa mansyon ni lolo para lang sundoin ako. Kagabi kasi eh umuwi ako agad ng matapos ang celebration, ayaw pa sana akong pauwiin ng mama n'ya pero sinabi ko na may pasok pa ako at baka mag alala si lolo.

Huminto ang sasakyan at hindi ko namalayan na nakababa na pala si Xantheus at pinag buksan ako ng pinto. Lumabas naman ako bitbit ang mga gamit ko.

Nakita ko na isinukbit ni Xantheus ang color pink kong bag bago kinuha ang mga librong hawak ko.

"Let's go." aniya at lumakad na.

Agad naman akong sumunod habang nakatingin sa likod niya. Imagine ang gwapo at matipunong lalake na si Xantheus ay tiga bitbit ko lang ng gamit.

"Diba jowa yan ni Atasha?"

"Oo kalat nga sa campus eh."

"Grabe si ate gurl ayaw mag paawat eh may jowa na nga yang si Kaz."

"Ganiyan talaga kapag malandi."

Napayuko ako dahil sa narinig na mga bulongan. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag tulo ng nag babadyang mga luha.

Nagulat ako ng hawakan ni Xantheus ang isang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Seyoso ang mukha na nilingon n'ya ang mga babae.

"Who are you to insult my girl?" tanong nito.

Agad ko naman na hinawakan si Xantheus sa braso para sawayin ito.

"A-Ah kasi diba jowa mo si Atasha?" nauutal na turan ng isa sa kanila.

"She's my ex, ngayon itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong ako ang gumawa." wika ni Xantheus na halatang bumuhay sa takot ng mga ito.

"X-Xantheus, tara na baka ma late ka pa." aniya ko para matapos na ang usapan.

Nilingon ako nito bago masamang tinapunan ng tingin ang mga babae saka ako nito hinila paalis.
Hindi na ako umimik dahil mukhang badtrip ang lolo n'yo hanggang sa makarating kami sa room namin.

"Baklaaaa, ay shala princess treatment!" bungad ni Mavie ng makitang dala-dala ni Xantheus ang mga gamit ko.

"Manahimik ka nga, para lang yan eh ang ingay mo." saway ko sakaniya dahil nakatingin na samin ang mga kaklase namin.

Tinakpan naman n'ya ang bibig bago bumulong. "Basta Cavallaro yummy, kaya yummy din ako."

Agad kong tinulak ang mukha n'ya. "Yummy? Baka yucky." aniya ko at umirap. "Xantheus akin na, ma lalate ka n'yan." aniya ko at kinuha ang mga gamit ko.

Agad itong humalik sa noo ko. "Okay, see you later." aniya at saka umalis.

"Nako, nag level up na ba?" tanong ni Mavie.

Kunot noo ko s'yang tinignan. "Anong level up sinasabi mo? Tara na nga sa loob baka maabutan tayo rito ng teacher eh." aniya ko at nauna nang pumasok.

Dumaan ang ilang oras ay dumating na ang lunch time. Maingay na naman si Mavie at sinasabi na aayain n'ya si Astara mag date.

"Binata kana talaga, ayosin mo ah baka malaman ko nalang nag aagawan kayo sa iisang lalake." natatawa kong saad.

"Lalake? Nag aaway nga kami dahil sa lalaking kasama n'ya lagi." aniya.

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now