KABANATA 2

1.3K 20 3
                                    


"Aray!"

"Ina naman kasi 'to!"

"This is all your fault, Mavros!"

"Nabibilad tuloy ang gwapo kong mukha!"

"Mga punyeta kayo! Puro kayo reklamo!"

Nakatanaw lang ako sa mga apo nila donya Marietta na tumutulong sa pag bungkal ng lupa para mag tanim ng mga gulay. Ito kasi ang ibinigay na parusa sakanila dahil sa gumawa sila ng kalukohan.

"Wow! Nag salita ang nakasira ng pinto ng kwarto dahil sa takot!" sarkastikong ani ni Señorito Davian.

"E' ikaw ba naman ma-lock ng magisa sa kwarto habang tumutugtog ang creepy na tunog? Ina mo!" depensa naman ni Señorito Treyvon.

Mga takot pala sila sa multo?

Wala kasi sa itsura nila at sa laki ng katawan. Tapos takot pala sila sa multo.

"Sarap ng buhay ni Xantheus sa kwarto n'ya ngayon." si Señorito Helix. "Pagtripan nga mamaya."

Napakamot nalang ako sa likod ng aking ulo dahil sa mga naririnig, dagdagan pa na ako na papagod sa ginagawa nila. Pano ba naman kasi e' hindi sila marunong humawak ng pala.

"Paabot nga ng malaking kutsara!" utos ni Señorito Alaric.

"Pala kasi! Tanga nito." pag tatama naman ni Señorito Mavros.

"Makasabi kang tanga ha, sumbong kaya kita kila tito na nakipag chukcukan ka na naman sa ibang babae?!"

Napabuntong hininga nalamang ako at naisipan na oumunta nalang sa kusina ng mansyon para tumulong sa pag luluto.

"Nanay Paula tutulong po ako." bungad ko ng makapasok sa kusina.

"Aba'y ikaw bahala." aniya at nilagyan ng sangkap ang niluluto.

Tumulong ako sa pagluluto hanggang sa matapos at ipinatawag na ang mga Señorito para kumain. Ang dudumi ng mga damit nila ng makapasok, may isa pang may putik sa mukha at nag rereklamo.

"Gusto n'yo yan diba? Halah sige kumain na kayo at hindi pa kayo tapos sa ginagawa n'yo." ani don Santino.

Agad naman na nag reklamo ang mga apo nito lalo na si Señorito Mavros dahil daw sa masusunog daw ang gwapo n'yang mukha.

"Tahimik."

Natahimik ang lahat dahil sa isang salita na binigkas ni Señorito Xantheus na tahimik na kumakain. Siguro ay na iingayan na s'ya sa mga pinsan n'ya.

"Gago!"

"Kulang lang yan s'ya sa lambing."

"Siya lang kasi ang pangit saatin."

"I think he's just inggit because I'm more handsome than him?"

"Kapal ng mukha mo!"

Bulongan ng mga Señorito na akala mo naman ay hindi namin naririnig ang pinag uusapan nila.

"Alam mo kasi Kaz, mabuti ka pa hindi ka nadamay! Pano naman ako na natutulog lang tapos pagbaba ko may kasalanan na ako agad?!" reklamo ni Señorito Davian.

Tinignan s'ya nito gamit ang malamig na tingin. "Baka na kakalimotan mo na may ginawa lang kasalanan kahapon?" nakataas ang kilay na aniya. "Diba ikaw 'yong nakabasag ng bintana dahil lang sa may nakita kang daga?" dagdag n'ya pa.

Natahimik naman si Señorito Davian saglit. "Hoy, hindi ako takot sa daga!" depensa n'ya.

Wala naman may sabing takot s'ya sa daga e'

Hindi naman na s'ya pinansin ng Señorito Xantheus at nag patuloy nalang sa pagkain. Nang matapos kaming kumain at tumulong ako sa pag ligpit ng pinagkainan bago pumunta sa prutasan.

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now