KABANATA 14

1.3K 61 17
                                    


"Ano na namang ginagawa mo rito?" bagot kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.

Nasa kuwarto na ako kanina at handa na sanang matulog ng ipatawag ako ni lolo dahil sa may nag hahanap daw saakin sa labas.

"Baby, i just wanna see you." aniya at lumapit saakin.

Ahad akong lumayo ng maalala ko na naman ang nakita ko kanina sa school. Kasama n'ya si Atasha at nag tatawanan sila.

Big deal ba?

Hindi ko alam, basta naiinis ako sakanya dahil kasama n'ya ang babae na 'yon. Kaya pala hindi nangulit sa 'kin kase may kinakalantaring iba.

"Baby."

Natauhan ako ng tawagin ako nito. Natulala na pala ako sa mukha n'ya.

"Ano ba yun?" tanong ko at umupo sa malapit na sofa. "Pwede namang bukas na yang kalandian mo eh, talaga hindi mo matiis?" aniya ko.

Umupo naman ito sa kaharap kong sofa. "Hindi ko matiis na 'di ka makita." sagot nito.

Nag init naman ang magkabila kong pinge sa aking narinig kaya agad kong sinaway ang aking sarili.

"Ang corny mo." aniya at umiwas ng tingin. "Oh? Nakita mo na ako, pwede kanang umalis." wika at at humikab.

Panira talaga' to, kung kailan antok na ako saka naman pumunta rito. Pwede namang bukas nalang eh tutal may Atasha naman na s'ya.

Nag taka ako ng tumayo ito at lumapit sa 'kin. Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong buhatin at paupoin sa kanyang kandongan.

"Huy, makita tayo ni lolo ano ba!" saway ko sakanya.

"Hindi yan, mukha namang boto sakin si lolo." sagot n'ya.

"Anong lolo? Nakiki-lolo ka ah." aniya ko at umirap.

Hindi ko na s'ya sinaway pa dahil alam kong hindi naman s'ya makikinig. Mas matigas pa sa bato ang ulo ng lalaking 'to eh.

"Kumain kana?" tanong ko.

"Not yet, dumiretso ako rito pagkatapos kong ihatid si Atasha sa bahay nila." sagot nito.

Nangasim naman ang mukha ko. "Grabe, hindi ka manlang pinakain muna." aniya ko.

"Inaaya n'ya ako but I refused,excited akong makita ka." aniya at inamoy ang buhok ko.

"Dapat kumain ka, tara sa loob kumain ka muna. Inuna mo pa kasi ang landi." tumayo ako sa kandongan n'ya at hinila s'ya sa kusina. "Upo ka muna riyan, mag luluto lang ako." aniya ko.

Nag labas ako ng karne sa ref at inihanda ang ingredients. Mag luluto ako ng sinigang tutal iyon lang naman ang alam kong kinakain n'ya noon sa hacienda, masyado kasi s'yang pihikan sa pagkain.

Pinakuloan ko muna ang karne para lumambot at saka ako nag hiwa ng mga rekados. Nilingon ko si Xantheus na tutok na tutok sa ginagawa ko.

"Bakit feeling ko mag asawa tayo." nakangiti nitong wika.

"Anong asawa sinasabi mo, pinag luluto ka lang asawa na agad?" tanong ko.

"Ayst, basta." aniya kaya tumahimik nalang ako.

Ng kumulo na at malambot na ang karne ay saka ko nilagay ang mga ingredients. Busy ako sa ginagawa habang si Xantheus ay tahimik akong pinapanuod.

"Oo nga pala, may napalis daw na estudyante ah." pag bubukas ko ng topic.

Baka lang kasi may alam s'ya, curious talaga kasi ako kung ano ba talagang rason para ipatanggal ang tatlong estudyante.

"Hmm, trinabaho talaga ng mabuti ni Mavros..." bulong ni Xantheus kaya nag taka ako.

CHOKED BY PAIN (CAVALLARO SERIES #1) Where stories live. Discover now