Chapter 1

348 15 3
                                    

Medyo nagmamadali na ako dahil late na ako sa call time namin. Today is our school camping. Malapit na mag 7am which is yung call time and tumatakbo parin ako kung nasan yung mga bus.

Hindi ko makakasama sa bus sila Mikha kasi nalate ako ng bayad pero kasama ko naman sila sa tent. 2 days and 3 nights kaming magstay sa Cavite for this camping.

Humihingal akong nakarating sa bus namin and I'm thankful kasi wala pa dun yung pinaka POC namin.

Halos puno na rin yung bus and I'm looking for an available seat. Napahinto ako sa 2 vacant seat. Sa isang seat, ang katabi ko ay si Dustine which is matagal ng may gusto sakin kaso hindi trip yung ugali nya, and sa isang seat naman, ang president ng Dance club namin. Tahimik lang sya pero grabe yung awra nya.

"Sheena, dito ka na sa tabi ko." Agad inalis ni Dustine yung bag nya dun sa vacant seat. Nagdadalawang isip ako kung tatabihan ko ba sya or hindi.

"Why are you still standing there? Umupo ka na dito sa tabi ko." Hindi si Dustine yung nagsalita kundi si Gwen. Ang masungit and nonchalant naming presidente.

Binigyan ko lang ng ngiti si Dustine pero tumabi ako kay Gwen. "Thank you." Bulong ko pero dedma lang sa kanya.

Hindi rin nagtagal at dumating na si Sir Castro. After ng ilang reminders, umandar na yung sasakyan.

Naglagay ako ng earphones sa tenga to listen to some music while we're on our way sa venue. Pasimple din akong sumusulyap sa katabi na sobrang tahimik.

Hindi ba napapanisan ng laway to?

Her eyes are closed and I can't help but to notice na parang uncomfortable sya. I don't know if nahihilo sya or may sakit sya.

"Pres, okay ka lang?" Tanong ko. Hindi sya sumagot and hindi rin sya tumingin sakin.

"Natatae ka ba Pres? Hala pano yan? Walang CR dito." Nag-aalala kong tanong kasi medyo namumutla na sya and pinagpapawisan.

"Stop being so loud. Hindi ako natatae. I feel nauseous." Mahina nyang sabi. Bakit ang hot nya?

I shook my head para mawala yung kalandian na pumapasok sa isipan ko.

"Uminom ka ba ng gamot anti-hilo?" Tanong ko.

"Yes. But I don't think it's working." Nakapikit parin sya and I can feel yung struggle nya. Hindi narin ako mapakali dahil I can't help but to worry about her state.

Gusto kong tawagin yung attention ni sir Castro pero tulog na tulog ito.

Bigla naman akong naging tuod at parang nakalimutang huminga dahil sa ginawa ni Gwen. She rested her head on my shoulder while her eyes still closed.

"A-anong ginagawa mo Pres?" Nauutal kong tanong.

"Let me borrow your shoulder. I'll try to sleep." Sabi nya then made herself more comfortable. Hindi narin ako tumutol. Mas ok na to kesa sukahan nya ako.

Self, kalma.. si Gwen lang yan.

I made myself comfortable na rin and I made sure na hindi ako malikot para hindi sya magising. Hindi rin nagtagal, makaramdam narin ako ng antok so I decided na matulog narin.

Hindi ko alam kung gano ako katagal na natulog. Nagising na lang ako bigla and napansin kong wala ng tao sa bus.

Nagulat ako ng mapagtanto ko na ako na yung nakadantay sa balikat ni Gwen. She's reading a book while sitting on her seat.

"Nandito na tayo?" Tanong ko pagkalayo ko sa kanya.

"Kanina pa. Mga 20 minutes ago." She nonchalantly stated.

"What?! Bat di mo ako ginising?"

"I did try pero mas lalo kang sumiksik sa leeg ko. And besides, you look comfortable kaya hinayaan na lang kita." Bigla naman akong namula sa sinabi nya.

Sa sobrang hiya ko, hindi na ako nagpaalam sa kanya and dumeretso na palabas ng bus. Agad-agad kong hinanap yung mga kaibigan ko para makuwento ko na yung kahihiyan ko.

Ilang libot lang and nahanap ko na din sila. They are setting up the tent when I arrived.

"Buti naman at naisipan mong tulungan kami." Sabi ni Stacey.

"Bakit di nyo ako sinundo? Alam nyo ba ang kahihiyan na naranasan ko kanina?" Madrama kong sabi.

"Bakit? Anyare?" Tanong ni Mikha.

Kinuwento ko sa kanila kung ano yung nangyari. Tinawanan lang nila ako after pero ramdam ko parin yung hiya.

"Lakas mo girl." Kumento ni Jhoana.

Nagsimula na rin akong tulungan sila para makapagpahinga na rin kami. After naming matapos i-set-up yung tent, pinapunta kami sa assembly hall para sa briefing kung ano magiging activities namin during this camping.

I roam my eyes para hanapin si Gwen kasi hindi ko sya nakikita kahit saan. Hindi sa gusto ko syang makita.. I mean, yes gusto ko pero.. hinahanap ko sya para maiwasan ko sya. Nakakahiya yung ginawa ko sa kanya. Di naman kami close.

I roamed my eyes one more time and there I saw Gwen standing confidently listening to the instructions. Katabi nya si Ate Aiah which is captain ng cheerleading team namin. She's the only person who is very close with Gwen. Sometimes I wonder if ano kaya pakiramdam maging close ang isang Gwen Apuli.

Halos lumabas yung puso ko sa dibdib ko when I saw Gwen looking at me. Staring at me to be exact.

Naramdaman nya kaya nakatingin ako kanina?

Namula ako bigla so I diverted my eyes away from her and nakinig na lang kay ma'am Villegas.

I tried my best na hindi tumingin sa kanya hanggang sa matapos yung assembly. Mabilis akong umalis para makasagap ng sariwang hangin.

Pumunta ako sa medyo walang tao to calm myself.

"Why are you avoiding me?"

"Ay anak ng butiki!" Sigaw ko dahil sa biglang pagsasalita ni Gwen. Alam kong si Gwen yun kahit di ko sya nakitang dumating. Kilala ko boses nya eh.

Tumingin ako sa kanya pero wala man lang expression yung mukha nya.

"Bat ka ba nanggugulat?" Reklamo ko.

"I called you pero di mo ata ako naririnig." Sabi nya. Unti-unti syang lumakad palapit sa akin at ako naman umaatras dahil sa kaba.

"W-wag kang lalapit." I stutter pero patuloy lang sya sa paglapit. Medyo binilisan nya yung paglapit sakin and nagulat ako ng maramdaman ko yung paglapat ng likod ko sa puno.

Naramdaman ko rin ang malambot nyang kamay sa likod ng ulo ko na ginamit nyang panangga para hindi ako mauntog.

"Why are you avoiding me?" Seryoso nyang tanong na mas lalong kinabilis ng tibok ng puso ko.

"I'm not. Hindi kita iniiwasan." Sabi ko pero parang hindi sya naniniwala.

I decided na umamin na lang. "Well, nahihiya kasi ako sayo."

She creased her forehead looking at me. "Why?"

"Dahil kanina. Feel ko I invaded your personal space--"

"I don't mind it." Mabilis nyang pagputol sakin.

"Huh?"

"I said I don't mind it. I like it when you're close to me." Parang wala lang nyang sagot pero ako parang aatakihin na sa puso.

"Huh?" Sabi ko ulit. I'm speechless.

"You're allowed inside my personal space circle. I don't know pero gusto ko lagi kitang nakikita and I'm happy when I'm this close to you." Sabi nya in all seriousness.

Help! Mamamatay ata ako sa kilig dito!

Imagine Me And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon