Chapter 4

99 11 4
                                    

"Huh?" Nakatitig kong tanong sa kanya.

"Are you deaf?" Kunot-noo niyang tanong sakin. Bigla naman akong namula dahil sa kahihiyan.

"Uhmm no. I just wanna make sure na tama ba yung pagkakarinig ko." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ba pwede? Ayaw mo ba?"

"What?! No.. I mean, sobrang random kasi." I defensively stated. Before she could speak, my mom came and brought us the food.

Kumuha naman si Gwen ng fried chicken sabay kagat dito. "So? What's your answer?" She asked while chewing.

I can't help but to smile a little because she looks so cute right now. Hindi ko maintindihan bakit sa simple pagkain niya lang at pagsasalita habang ngumunguya ay nagmumukha siyang bata.

"Ok. We can be friends." Nakangiti kong sagot. Kumuha siya ng isang fried chicken at inalok naman ito sa akin.

*******

"Get it together!" Naiinis na sabi ni Gwen. May dance practice kami ngayon for upcoming dance competition.

Hindi ako pumasok ng two consecutive days because of my ankle pero ngayon ay pumasok na ako dahil kaya ko na ulit maglakad. Kung bibilangin mula sa araw na natapilok ako hanggang sa gumaling ako, halos isang linggo din akong tengga sa bahay.

"Simple step hindi niyo magawa. If you're not in the right mind and condition for this practice better to just fuck off." Lahat kami ay tahimik lang at nakatingin kay Pres.

Sobrang nakakatakot talaga siya pag nagagalit. I understand naman kung bakit siya naiinis. Halos pang-apat na beses na namin inulit yung sequence steps ng sayaw pero marami parin nagkakamali.

"We'll take five. If hindi parin kayo umayos don't ever comeback for practice. You're out." Madiin niyang sabi. Nag kanya-kanya naman kami ng lakad. Umupo ako sa lapag doon sulok kung nasaan yung gamit ko.

This is why hindi kami masyadong close ni Gwen. Ganito siya kasungit at ka-strict tuwing practice and hindi rin siya masyadong approachable.

"Katakot si Pres." Bulong sakin ni Jao na ngayon ay nakaupo narin sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang si Gwen habang nakaupo siya sa may bench. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang gilid niya habang nakayuko yung ulo niya.

"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ko. "Lapitan mo nga." Pabiro kong sabi.

"Ayy no girl. Mas madali pang lapitan ang lion kesa kay Pres eh." Natawa na lang kaming dalawa. Once again, tumingin ulit ako kay Gwen.

After five minutes break, nagstart ulit kami. Lahat siguro ay natakot kay Pres kasi biglang umayos ang pagsayaw namin.

We kept practicing until 5pm. Halos tatlong oras din kaming nagpapractice kaya sobrang pagod ko na talaga.

Gwen dismissed us all pero nagpaiwan ako. Hinintay ko muna umalis yung iba. I know naman na si Gwen lagi yung huling umaalis samin dito sa dance room.

"Uhmm Gwen?" I hesitantly called habang naglalakad palapit sa kanya.

"What?" Masungit niyang sagot. Bigla naman akong kinabahan kaya napatigil ako sa paglalakad. She turn her attention to me and seryoso lang siyang nakatitig sakin. "Do you need something?" Dagdag na tanong niya pero hindi parin nagbabago yung tono ng boses niya.

Kinain na ako ng hiya at konting lungkot. Kala ko kasi ay dahil sa mga previous interaction namin ay may magbabago between us pero feeling ko wala.

"Nothing." Mahina kong sabi sabay lakad palabas ng dance room. Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong humawak sa wrist ko kaya napahinto ako sa paglalakad at tumingin kung sino yun.

Imagine Me And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon