"Welcome to my room." Sabi ko pagkapasok namin ni Gwen sa kuwarto ko. After kasi naming magdinner with mom, inaya ko siya sa kuwarto ko.
Pinagmasdan ko lang siya habang nililibot niya yung sarili niya sa loob ng kuwarto ko. "It's not as big as you think pero masaya naman sa kuwarto ko." Banggit ko which caught her attention.
"Your room is perfect. Just like you." I pressed my lips inward to stop myself from smiling and blushing.
Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Gwen yung mga banat nya. Or baka naman, hindi niya alam na banat na pala yung mga sinasabi niya.
"Can I have this?" Tanong niya habang nakatingin sa baby picture ko na nasa picture frame na nakapatong sa mini drawer.
"Why?" She turn her gaze back to me.
"Because it's you and I like you. Ano pa bang ibang dahilan?" She replied in a matter of fact tone.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko na ngumiti at mamula. She said things so casually that can make my heart flutter.
"Ganyan ka ba talaga?" She squint her eyes looking at me baffled.
"What do you mean?"
"You randomly drop flattering words like it's nothing. Like you're used to say those things." Pigil ngiti kong sabi.
"If what you mean is, I'm telling that you're perfect and I like you, those are not flattering words. Those are the truth."
Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang mga kamay ko dahil alam kong sobrang pula ko na. "Stop doing that." My voice muffled because of my hands covering my face.
Hindi ko namalayan na lumapit na siya sakin. Tinanggal niya yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Halong ngiti at pagtataka naman ang makikita sa mukha niya.
"Bakit ka nagtatakip ng mukha? Bakit ang pula mo din? Are you sick?" Tuloy-tuloy niyang tanong sabay sapo sa noo ko.
"You're making me kilig kasi." Pag-amin ko. Nagloading pa ata siya kasi nakatingin lang siya sakin.
When she realized what I just said, siya naman yung sobrang ngumiti.
I swear to mother of all bunnies, ang pogi ni Gwen kapag nakangiti!
"I'm making you kilig?" Parang bata niyang bulong sa sarili niya pero rinig ko naman. Ilang beses niya pa yung inulit-ulit.
"Kinikilig ka sakin?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin. Namumula na yung tenga niya habang nakangiti parin ng malapad.
"Hala siya." Natatawa kong sabi.
********
Gwen and I decided na magpalengke na lang sa first date namin. Hindi pa siya nakakakain ng kahit anong street food kaya inaya ko siya.
Ten minutes walk lang naman from school to palengke kaya hindi ko na pinadala sa kanya yung kotse niya.
Last night binigay ko sa kanya yung picture ko noong bata ako and she proudly shows me na pinicturan niya ito and ginawang wallpaper niya. She also showed me na nilagay niya sa wallet niya yung picture na hiningi niya.
Plus points siya sakin pero quiet lang dapat.
"Try this." Sabi ko sabay alok sa plastic cup na may fishball, kikiam, and squidballs. Wala pa akong nilalagay na sauce kasi naglalagay pa ako sa baso ko.
"No much flavour in it." She commented. I looked at her and she ate the fishball plain.
"Lagyan mo ng sauce." Tinuro ko sa kanya yung mga sauce and kung ano yung maanghang or hindi. I found out that she likes spicy food which is kabaliktaran ko. I can't stand spicy food.
BINABASA MO ANG
Imagine Me And You
FanfictionHambebe AU Where Gwen, a masungit and nonchalant president of dance club asked Sheena to be her friend. Friends lang ba talaga?