Chapter 6

62 9 2
                                    

"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ahh" I was pulled from my trance when Stacey called my attention.

"Naaawa ako sa chicken Stacks. Kinakawawa ni Sheena." Madramang sabi ni Jhoana with matching cute voice.

"Edi pakasalan mo yung fried chicken. Pati ba naman feelings mo problema ko pa." Sagot ni Stacey.

Hindi ako masyadong makapagfocus sa kanila kasi hanggang ngayon ay tumatakbo parin sa isipan ko yung sinabi ni Gwen sakin.

Apat na araw na yung lumilipas na hindi ko pagpansin kay Gwen. Hindi ko rin alam bakit hindi ko siya pinapansin.

Maybe, because of what she confessed. I mean, kahit saan ko tignan, hindi ko alam bakit ako gusto ni Gwen. Kailan at paano niya ako nagustuhan?

"Ano ba kasi iniisip mo?" Tanong ni Jhoana. I heave a sigh before telling them what's really bothering me.

"Remember nung Thursday? Diba nagsabi ako sa inyo na aalis kami ni Gwen?" Tumango naman sila kaya pinagpatuloy ko na. "Something happened..."

Both of them stares at me so eagerly. They're waiting for me to continue so I did. "Sabi niya gusto niya ako and she wants to court me."

Ilang seconds ang lumipas then bigla silang tumili dalawa which caught the attention of other students here sa cafeteria. Pinigilan ko naman silang tumayo para tumalon dahil ako nahihiya sa kaingayan ng mga to.

"True ba? Kala ko ba si ate Aiah gusto niya?" Tanong ni Stacey.

"Apparently, ako daw talaga gusto niya at hindi si ate Aiah." Pag-amin ko.

"So, ano plano mo ngayon?" Jhoana asked. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi wala pa naman talaga akong sagot.

"What you guys talking about?" Singit ni Mikha sa conversation namin. Kadarating niya lang dito sa cafeteria galing practice nila.

"Si Sheena may love life na." Sabay na sabi nang dalawa.

"Sino and kailan pa?" Takang tanong sakin ni Mikhs.

"Si Gwen. She confessed to me last Thursday na she likes me and hindi si ate Aiah."

"Ayyy, bakit nangingiti ka Mikhaela?" Pang-aasar na tanong ni Stacey.

"Syempre, may chance na siya kay ate Aiah. Inlababo yung friend natin eh." Gatong ni Jho.

********

Natapos yung lunch break namin and hindi ko parin nasasagot yung tanong ni Jhoana kung ano yung magiging plano ko.

Last Saturday, may rehearsal kami and buong time period ng rehearsal, hindi ko siya tinignan even though I know she's looking at me. Parang hindi pa ako ready to have a conversation with her.

Nandito ako sa classroom and attentively listening to my teacher's lecture. Nagfocus na lang ako sa pakikinig instead of thinking about Gwen.

Sa sobrang pakikinig ko, hindi ko namalayan ang oras at tapos na pala yung class. Lumabas na ako sa classroom ko and dumeretso sa locker ko para ilagay yung libro ko. Uwian time narin namin.

Wala din kaming rehearsal kaya deretso uwi na ako. As usual na ginagawa ko, bago ako umalis ng school ay pupunta muna ako ng cr para magretouch.

While I'm on my way, may narinig akong familiar na boses sa may gilid ng cr. Out of curiosity, lumiko ako papunta sa familiar na boses and there I saw Gwen talking on her phone.

I don't mean pry or to eavesdrop but Gwen's voice is a bit louder than to her usual volume. I can also see that she's getting frustrated.

"No mom. I'm only eighteen for goodness sake. Ayoko pa and focus pa ako sa studies ko."

Imagine Me And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon