Chapter 11

158 11 0
                                    

Maaga akong gumising para sa weekend date namin ni Gwen. Just like what she requested, hindi ako nagpack ng gamit kasi sabi siya na yung bahala.

I received a text message from Gwen na papunta na siya so I'm patiently waiting inside my room. Nagsabi naman ako kay mommy na wag na siyang magready ng breakfast for me kasi Gwen said na siya na bahala.

Few minutes passed and Gwen texted me na nasa labas na siya. Hinatid ako ni mom palabas.

"Good morning po tita." Bati ni Gwen kay mom.

"Mag-ingat kayong dalawa. Gwen, ibalik mo sakin ng buo itong anak ko." Napangiti kaming dalawa ni Gwen.

"You can count on me po."

"Oh siya, alis na kayo. Ingat kayo." Sabi ni Mom. I hugged her and dumeretso sa loob ng kotse ni Gwen.

Sumunod naman agad si Gwen sa loob. She buckled her seatbelt and start the engine. "Daan muna tayo sa Pancake House for breakfast." Sabi ni Gwen.

"Good morning to you too bebe." I teased. Napatingin naman siya sakin with a shy smile.

"Good morning. I'm so excited for this date nakalimutan ko na bumati." Nakangiti niyang sabi.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Pancake House. Si Gwen na lang yung pumasok sa loob ng restaurant, at ako yung naiwan dito sa kotse.

I'm using my phone, didn't realise na dumating na pala si Gwen. I put my phone down para tulungan siya sa mga bitbit niya habang papasok ng kotse.

Nagdrive na si Gwen. As usual, I'm feeding her dahil she's driving. Ganito lagi set up namin kapag kumakain kami sa kotse niya.

After naming kumain at magkuwentuhan, she told me to take a nap dahil mahaba-haba yung biyahe namin pero hindi ko naman ginawa kasi hindi naman ako inaantok.

"Say hi bebe." Lumingon siya sakin. I'm currently taking video of her, of us.

"Hi." Tipid niyang sabi.

"Say hi." Dagdag ko with extra energy. Natawa na lang siya pero sinunod naman niya.

"Hi!" Natatawa niyang sabi.

Tinapat ko yung camera ko sa labas para kuhanan ng video yung paligid. After kong magvideo, nagpatugtog na lang ako. I connected my phone sa Bluetooth ng car niya and started to play the songs on my playlist.

My playlist starts to play Mundo by IV of Spades. It somehow gives me comfort. Nakatingin lang ako sa labas habang nakikinig sa kanta.

This song made me feel na I can risk everything in the name of love. I have never felt that feeling before.

"Mundo'y magiging ikaw." Napatingin ako kay Gwen nung bigla siyang sumabay sa kanta. My heart skipped a beat hearing her singing voice because it so soothing and mesmerising.

Pinapanood ko lang siya habang patuloy parin siya sa pagkanta. Hanggang sa natapos yung song, my attention is fixated to her.

"Marunong ka din kumanta?" Tanong ko sa kanya.

"I prefer singing over dancing." She nonchalantly replied.

"May hindi ka ba kayang gawin?"

"Break your heart?" Instant kamatis ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko napigilan yung sarili ko na paluin siya sa braso. Hindi naman siya nagreklamo instead, tinawanan niya lang ako.

"You're so red bebe!" She commented with a teasing tone.

"Ewan ko sayo!" Tumagilid ako at pumikit acting like I don't care. Pilit kong pinipigilan yung sarili ko na ngumiti at kiligin dahil kay Gwen.

Imagine Me And YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon