Flashback 3 years ago
Nandito ako ngayon sa waiting shed ng school namin habang hinihintay ko si Gwen. A black car stops in front of me which made me curious kung bakit.
May lalaking lumabas na naka-tuxedo tapos nilapitan ako. "Ikaw po ba si Sheena Catacutan? Girlfriend ni ma'am Gwen?" Tanong sakin.
"Ako nga po. Bakit po?"
"Gusto ka pong makausap ng lola niya." Binuksan niya ang pintuan ng kotse and gesture me to get in. Kinakabahan man ako, sinunod ko yung sinabi niya.
Pagtingin ko sa loob ng kotse, may matandang nakupo sa tabi ko. She looks intimidating and halata mong mayaman siya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hiwalayan mo ang apo ko at hayaan mong pakasalan niya ang lalaking gusto ko para sa kaniya." Madiing sabi sakin ng lola ni Gwen.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halong sakit, kaba, at galit ang nararamdaman ko. Gustong pumatak ng luha ko pero hindi ko ito hinayaan.
"Hindi ko po iyan gagawin. Mahal ko po ang apo niyo. Mahal po namin ang isa't-isa." Pagmamatigas ko. Handa kong ipaglaban at ipagmalaki ang relasyon namin ni Gwen kahit kanino pa iyan.
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? You're both girls! Your relationship will have no future. Kamumuhian lang kayo ng mga tao. I won't let you be the reason kung bakit sisirain ng apo ko ang pangalan namin."
"Iyon lang po ba ang dahilan niyo? Ayaw niyong masira ang pangalan ng pamilya niyo? Hindi niyo po ba inisip kung anong mararamdaman ni Gwen?"
Huminto ako saglit to compose myself bago magsalita ulit. "Hindi ko po hihiwalayan ang apo niyo. Paalam po."
I'm about to leave the car but her words made me stop. "I will disown Gweneth." Tumingin ako sa kaniya in disbelief.
"Itatakwil ko siya. Aalisan ko siya ng mana, babawiin ko lahat ng meron siya. Sa tingin mo kaya niyang mabuhay ng wala ang lahat ng yaman na meron siya? You will ruin her life. And hindi lang si Gwen ang masisira ang buhay dahil sayo. Pati na rin ang mga magulang mo. I'll make sure na mawawala lahat ng ari-arian niyo kapag hindi mo hiniwalayan ang apo ko."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. "How can you say that? How could you do that to your own family?"
"I'm doing this for her own good. It's your decision. Fight for your love and ruin everyone you love, or you'll break up with my granddaughter. Call this number once you decide. I need decision as soon as possible."
Pagkatapos niyang iabot sakin ang isang calling card, pinalabas na ako sa kotse nila. Tuluyan na akong umiyak ng marami habang hawak ko ng mahigpit ang maliit na card sa kamay ko.
I dialed Mikha's number to tell her to pick me up. "Hello?"
"Mikhs.." impit kong sabi, pinipigilan kong umiyak.
"Shee? Are you crying? Nasan ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"Waiting shed ng school. Pick me up. Ayokong makita ako ni Gwen na umiiyak."
"I'm on my way." Pinatay ko na yung tawag at hinintay si Mikha. I texted Gwen na kay Mikha ako sasabay ngayon.
Me: hi bebe, hindi na ako sasabay today. May lakad kami ni Mikha. Ingat sa pag-uwi! I love you! 😘😘😘
BINABASA MO ANG
Imagine Me And You
FanfictionHambebe AU Where Gwen, a masungit and nonchalant president of dance club asked Sheena to be her friend. Friends lang ba talaga?