Chapter 2- Ang Litrato

38.5K 632 102
                                    

Binuksan ni Amanda ang malaking kurtina na tumatakip sa malaking glass window. Malamlam ang liwanag na pumasok sa madilim niyang silid. Lalo siyang nakaramdam ng kalungkutan. Ilang taon na siyang mag-isa.

Muli siyang naupo sa gilid ng kanyang kama. Minasdan ang picture frame sa side table niya. Dinampot niya iyon. Minasdan na tila sinasariwa ang nakaraan.

Nasa litratong iyon ang mga high school friends niya.

Siya, si Brenda, Charity, Viola at Fritzy.

Best of friends silang lima noon.

Pero nawalan na siya ng balita simula ng insedenteng iyon..

Nang..

Ahh...Sumasakit na naman ang ulo niya. Ayaw na niyang alalahanin ang nakaraan hanggat maaari.

Pinasadahan niya ng daliri niya ang mga mukha sa litrato.

"Aray!", paano kasi ay nahiwa siya sa salamin ng picture frame. Umagos ang dugo sa nasugatang hintuturo.

Napakahapdi at sakit!

Papaanong nahiwa siya noon?

Walang basag ang bubog nito?

Tinapon niya sa sahig ang hawak at doon iyon nabasag.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anong misteryo

ang bumabalot

sa nakaraan

ni Amanda?

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon