Chapter 3- Red Carpet

34.7K 560 87
                                    

Nakakasilaw ang kislapan ng mga camera makunan lamang ang babaeng lumabas sa magarang kulay puting kotse. Napaka-ganda ng babaeng iyon.

Siya si Fritzy Tan. Isang sikat na artista ng bagong henerasyon.

Premiere night ng ika-lima niyang pelikula. Lahat ay tumitili habang lumalakad siya sa red carpet. May mga bodyguards na naka-protekta sa kanya bilang pananggalang sa makukulit na reporters at photograpers.

Isa siya sa kinaiigitang artistang babae dahil sa edad na 26 ay ganun na lang siya kasikat.

Panay ang ngiti niya.

Pero natigilan siya nang may mapansin siyang tila bulto ng isang babaeng duguan na nakakubli sa kumpol ng mga tao. Kahit saan niya ibaling ang tingin ay naroon iyon. Nakakatakot ang hitsura niyon.

Namutla siya at di magawang makakilos.

Nagtataka ang mga nakapaligid sa kanya.

Napasigaw siya ng makitang nasa dulo ng red carpet ang babaeng duguan. Tila hinihintay ang pagdating niya doon. Nakaputi itong damit na mahaba...

Marami ang nagtaka sa ikinilos niya. Tumakbo siya pabalik ng kotse at agad pinaandar iyon palayo....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino ang babaeng duguan?

Ito rin ba ang babaeng

nagpapakita sa

panaginip ni Amanda?

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon