Chapter 4- Shower Room

32.8K 500 71
                                    

Lalong nagkislapan ang mga camera ng matumba ang model na si Viola Ruiz.

Rumarampa siya noon habang mino-model ang isang stilleto. Ang kaso naputol bigla ang takong noon na sanhi ng pagkakatumba niya.

Poise na tumayo siya sabay hubad ng suot na stilleto. Rumampa siya ng walang sapin sa paa. Palakpakan ang mga nanonood. Hanggang sa makapasok na siya sa dresing room.

26 years old na siya at isang sikat na model sa Pilipinas. In demand siya sa mga commercials at iba pa.

"Bravo, Viola!", salubong sa kanya ng baklang make-up artist.

Inis na umupo siya sabay tanggal ng hikaw.

"May sumabotahe sa akin!", galit na sabi niya.

"Easy, Viola. Wala kang pruweba!"

"Marami kasing inggetera dito!"

Tumingin siya kay Terry ang kasabayan niyang model. Sabay tayo at pumunta sa shower room.

Talagang malakas ang hinala niyang si Terry ang may gawa ng pagkakadapa niya. Sinabotahe nito ang suot niyang sapatos!

Malaki ang inggit nito sa kanya dahil sa kasabayan niya ito pero mas nauna siyang sumikat dito.

Pagdating sa shower room ay hinubad niya ang lahat ng suot. At pinagsawa ang katawan sa malamig na tubig mula sa shower.

Biglang namatay ang ilaw sa shower room.

Bumukas ang pinto ng kinaroroonan niyang shower room.

Napasigaw siya sa nakita.

Isang babaeng nakasuot ng itim. May hawak na kutsilyo.

"Papatayin kitaaaaaaaa!", sigaw ng babaeng may kutsilyo. Pero hindi nito naituloy ang pagsaksak kay Viola dahil narinig nito ang mga yabag papasok sa shower area.

Tumakbo ito. Tumakas.

"What happen Viola...?", hindi na malaman ni Viola ang sasabihin. Sobrang shocked siya.

Hanggang sa manlabo ang paningin niya,........

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SINO ANG GUSTONG
PUMATAY AY VIOLA?

MALAPIT NANG MABUNYAG
ANG LIHIM NG NAKARAAN NILA.....

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon