Chapter 6- Salamin

30.7K 468 55
                                    

Nakikinig pa rin ni Charity Cruz ang hiyawan at palakpakan ng mga tao kahit nasa back stage na siya. Naimbitahan siyang kumanta sa Eat Bulaga ng araw na iyon.

Sino nga ba ang hindi hahanga sa galing niyang kumanta. Nanalo siya sa isang singing talent show 3 years before at dahil doon nagsimula na siyang sumikat. Kabi-kabila ang guesting niya sa mga TV shows, concerts at album launchings.

Masasabi niyang isa siyang babaeng kaiinggitan ng kahit sino. Hahangarin kung anong meron siya ngayon.

Umupo siya sa harap ng malaking salamin. Nasa dressing room siya at nagre-re touch lang ng make-up.

"Ah, Rosario...Kunin mo nga sa kotse yung cellphone ko.", utos niya sa P.A. niya.

Sumunod naman agad ito kaya naiwan siyang mag-isa roon.

Humarap siyang muli sa salamin.

Laking gulat niya ng makakita siya ng isang babaeng duguan sa kanyang likod. Papalapit ito sa kanya. Parang gusto siyang hawakan.

May sinasabi ang babaeng duguan pero di niya maintindihan.

"Malapit na......................Susunod ka na.........", yun ang paulit ulit na sinasabi ng babae. Parang naggagaling sa kung saan ang boses nito.

Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Charity kasabay niyon ang pagbukas ng pintuan ng dressing room....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANONG KONEKSIYON NG LIMANG MAGKAKAIBIGAN SA BABENG DUGUAN?

SINO NGA BA TALAGA ITO?

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon