Chapter 9- First Victim

29.6K 456 69
                                    

Napatingin si Viola sa orasan sa side table ng kwarto niya sa bahay ni Amanda. Tig-iisa silang lima ng kwarto.

Alas dose na ng hating-gabi.

Nakakapagod ang ginawang pag-su-swiming nila kanina at walang humpay na kwentuhan.

Hindi siya maatulog ng gabing iyon. Sobrang init ng pakiramdam niya. Katatapos lang niyang mag-shower pero hindi niyon naalis ang init na nararamdaman niya. Bumangon siya sa kama at nagtungo sa bintana. Binuksan niya iyon.

Pumasok sa kwaro niya ang malamig na hanging nagmumula sa dagat. Napapikit siya.

Ang pagiging model niya ang kinaiingitan ng iba sa kanya. At kaya siya dumalo sa reunion nilang ito ay upang kainggitan din siya ng mga kaibigan.

Payapa ang dagat. May napansin siyang babaeng naglalangoy sa dagat. Malamang ay isa iyon sa mga kaibigan niya na tulad niya ay naiinitan din. Pero dahil may kalayuan ang bahay sa dagat ay di niya maaninaw kung sino iyon.

Tumingin ito sa gawi niya. Kinawayan niya ito. Gumanti rin iyon ng kaway sa kanya. Tila nag-aanyaya iyon sa kanya. Napangiti siya sa naisip.

Binuksan niya ang closet doon. Kiniha niya ang kanyang two piece swimsuit. Isinuot iyon at pinatungan ng robe. Bumaba siya upang magtungo sa dagat. Nais niyang mawala ang init na nararamdaman niya.

Pagdating niya sa baybayin ay wala na ang kanina ay nakita niyang tao. Siya na lamang mag-is doon.

"Where is that shit?", napamura na siya sa inis.

Akala pa naman niya ay may makakasama na siya sa paglalangoy ngayong gabi.

Napagdesisyunan na lang niyang maglangoy mag-isa. Hinubad niya ang suot na robe at lumusong sa dagat. Gumapang ang lamig na nagmumula sa tubig-alat. Bahagya siyang nilamig pero nawala rin iyon.

Naglunoy siya sa tubig. Nawawala na ang init na nararamdaman niya kanina. Maliwanag ang buwan. Bilog na bilog iyon at tila tinatanglawan siya sa ginagawang paglalangoy.

Napatingin siya sa baybayin. Ayun!

May isang babaeng nakatayo sa gilid ng baybayin. Kinawayan siya nito. Nakasuot din ito ng swim suit tulad niya.

Nagulat siya ng may isa pa siyang babeng nakita. Nasa malayo ito pero kita niya ang duguang damit na suot nito. Nangilabot siya. Kumakaway din ito at tila pinapalapit siya.

Dahil sa takot sa nakita, dali-dali siyang umahon sa tubig at pinuntahan ang unang kumaway sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Kilala niya ang nilapitan niya.

Tatawagin na sana niya ito pero di na niya nagawa. Dahil mula sa likuran ng babaeng kumakaway sa kanya ay hinugot nito ang isang patalim.

Sinaksak siya nito. Sa tiyan!

Sabay sa kanyang lalamunan.

Nanghilakbot si Viola. Maraming dugo ang umaagos mula sa mga sugat niya. Tinakpan niya ng mga palad ang lalamunan niya upang makahinga ng maayos. Kinakapusan na siya ng hininga.

Tumakbo siya sa dagat. Pero naabutan siya ng gustong pumatay sa kanya. Hinblot siya sa buhok sabay unday ng saksak sa kanyang katawan.

Paulit-ulit.

Hanggang sa mawalan na siya ng buhay.

Napapangiti ang pumatay sa kanya habang pinapahid ang tumalsik na dugo sa kanyang mukha....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SINO ANG PUMATAY KAY VIOLA???

SINO ANG SUSUNOD NA BIKTIMA NITO???

ABANGAN.................

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon