Napapailing si Fritzy habang binabasa ang sulat ni Viola na nakita nila sa kwarto nito. Ayon dito ay may biglaan itong fashion show sa Paris kaya umalis na ito kagabi at hindi na nakapag-paalam.
"She's still the same...The old Viola na laging nang-iiwan..", si Brenda.
"Oo nga..Pano ba yan..Apat na lang tayo dito?", sabi ni Charity.
"Ano pa nga ba? So lets enjoy our one week reunion here...Na wala si Viola..", sabi naman ni Amanda.
"Okey..Lets have a drink sa tabing dagat!"
Umayon ang lahat sa suggestion na iyon ni Charity.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"HOY! Bakit di yata nainom si Brenda?!"
"Naku hindi ako pwede..Im pregnant.."
Napatingin ang lahat kay Brenda.
"What?! You mean may asawa ka na?", tanong ni Charity.
Napangiti si Brenda.
"Asan na asawa mo?", tanong ni Amanda.
"P-patay na siya...."
"Huh..Im sorry to hear that. Sino ba siya?"
"Si...Jomel Ruiz...", tila nahihiyang sagot ni Brenda.
Napa-isip sila. Para kasing kilala nila ang name na iyon.
"Ah..Si Jomel Ruiz. Yung classmate natin na mahirap noong high school? Yung student-janitor..Eww! Ibig sabihin mahirap ka na Brenda?", maarteng sabi ni Fritzy.
"Walang masama sa pagiging mahirap Fritzy!", sabat ni Amanda.
"The hell I care! Bakit mo ba pinagtatanggol itong si Brenda..Sabagay mas kadiri ka pa sa kanya noon diba. Kasi ang first boyfriend mo is a gay!", si Fritzy. Nang-aasar ang mukha nito.
"How dare you!", agad itong sinampal ni Amanda.
Nagsabunutan sila at nagpagulong-gulong sa buhangin.
"Awatin natin sila Charity!", sigaw ni Brenda.
"Hayaan mo nga sila!", tila tuwang-yuwa pa si Charity sa pag-aaway ng dalawa. Nagsalin pa ito ng alak at ininom iyon.
Tumili ng pagkalakas-lakas si Brenda na naging sanhi upang matigilan ang dalawang nag-aaway.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"I CANT STAY ANOTHER NIGHT HERE!", mariing sabi ni Fritzy habang nag-eempake mg kanyang mga damit sa kwarto niyang ginagamit.
Nakatingin sa kanya sina Brenda at Charity.
"Hindi ka na ba namin mapipigilan?", malungkot na tanong ni Brenda.
"No..Kung ako sa inyo..Aalis na rin ako. Bye!", at tuloy-tuloy itong lumabas ng kwartong iyon.
Nagtungo siya sa garahe at sumakay sa kotse. Bigla ang buhos ng malakas na ulan.
Pinaandar na niya ang kotse.
Napamura siya ng malaman na sarado pa ang gate. Kaya kinailangan pa niyang lumabas upang buksan iyon. Nababasa na siya ng ulan. Sa pagbubukas niya ng gate di niya namalayan ang pagpasok ng isang nilalang sa backseat ng kanyang kotse...
Dali-dali siyang bumalik sa driver seat upang di masyadong mabasa ng ulan. Papaandarin na sana niya ang kotse nang biglang mula sa likuran ay may pumulupot na barbed wire sa mukha niya at leeg.
Unti-unti iyong dumidiin. Umaagos na ang dugo sa kanyang mukha at leeg gawa ng tulis ng barbed wire. Mula sa salamin ay nakita niya ang gumagawa niyon! Nanlilisik ang mga mata nito.
Dumiin pang muli ang pagkakapulupot niyon sa kanya. Ramdam niyang wasak na ang mukha niya. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa tusok sa kanyang leeg...
Nagpapalag siya pero naubusan na siya ng lakas.
Hanggang sa mawalan na siya ng buhay.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SINO ANG KILLER?
ABANGAN.....
BINABASA MO ANG
Inggit
Horror(Complete) Sa reunion ng limang magkakaibigan..Isang killer ang isa-isang papatay sa kanila..Sino nga ba ito? Anong koneksiyon nito sa nakaraan nilang lima..Isang suspense-thriller tungkol sa inggit (envy)...