Nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil kakatapos lang ng klase namin ngayong araw. Habang nagliligpit ako rinig na rinig ko rin ang nga usapan ng iba kong mga ka-klase, nag-aaya silang magkakaibigan na pumunta ng bar. I sigh, ganito lagi ang eksena tuwing Friday kasi walang pasok kinabukasan. Habang nag-aayos napatingin sa akin ang isa kong ka-klase at nginitian ko, sinuklian ko rin ito ng maliit ng ngiti.
"Calista, gusto mong sumama?" She asked me. I respectfully declined her offer.
Hindi talaga ako sumasama sa mga ganiyan dahil hindi ko rin naman gusto, I need to study para makapasa sa mga exams ko. I'd rather study than go to the bar with them.
"Ano ka ba Yana, alam mo naman na hindi pumupunta si Calista sa mga ganoong lugar eh" sabat naman ng kaibigan niya. "Tara na nga hindi rin naman natin mapipilit si Calista dahil pag-aaral lang naman ang inaatupag niya eh" sagot niya ulit at umirap sa hangin.
I don't have friends here kasi raw puro pag-aaral ang inaatupag ko hindi raw ako nakikipag socialize sakanila. Kaya naman kapag by group ang activity na pinapagawa sa amin mas gusto ko pang mag solo dahil kaya ko naman. I also don't want to be with anyone because I can do it alone kaya marami ang may ayaw sa akin dahil daw ang yabang ko. Hindi ko nalang pinapansin ang mga paratang nila.
Naglalakad ako pauwi dahil walking distance lang naman ang University na pinapasukan ko. Habang naglalakad hindi ko mapigilan na lumingon sa aking likuran, para kasing mayroong nagmamasid sa akin, hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero pinagsawalang bahala ko nalang ito maybe I'm just being paranoid.
Pagkapasok ko sa apartment na tinitirahan ko ay agad kong tinungo ang kwarto ko para humiga. I sighed, gusto kong matulog pero may gagawin pa pala ako. Papasok pa ako sa coffee shop na pinagta-trabahuhan ko, I need to earn extra money para sa pang araw-araw kong pangangailangan, kahit na nakakatanggap ako ng pera galing sa University na pinapasukan ko dahil sa scholarship na natanggap ko hindi ko rin naman ito ginagalaw dahil iniipon ko ito incase of emergency.
Sarili ko nalang ang mayroon ako dahil noong high school palang ako namatay si Tatay sa aksidente, nabangga kasi ang sasakyan niya habang pauwi sa bahay namin. Hindi rin namin alam kung sino ang nakabangga dahil tinakbuhan ito, wala na kaming nagawang dalawa ni Nanay dahil iyon na talaga ang nangyari tinanggap nalang namin dahil ganito talaga ang buhay, we will also die eventually kaya ingatan natin ang ating buhay kasi nag-iisa lang talaga ito.
Noong 17 ako sumunod din si Nanay kay Tatay, she died because she had breast cancer. I was really hurt because my two loved ones were gone pero hindi ako sumuko, nag-umpisa ulit ako nang ako lang mag-isa I need to accept my fate.
Hi, this is my first ever wattpad story na ginawa ko hope na magustuhan niyo. You can also correct me on my grammatical errors, thank you in advance sa nagbabasa at magbabasa palang ng gawa ko:)
YOU ARE READING
Travis Gage Caddel
RomanceHe's the perfect guy-a true green flag-kind, supportive, and attentive. But his obsession takes things to another level. As he showers her with affection, she starts to question if his love is a blessing or a burden. Can their relationship thrive wi...