Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko dahil tapos na ang trabaho ko ngayong gabi it's already 10 PM na, hanggang ngayon kinukulit pa rin ako ni Florence dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari kanina gusto niya raw kasing malaman bakit umalis agad ang kausap ko na lalaki kanina.
"Sige na kasi Calista, ano ang pinag-usapan niyo ni kuyang pogi kanina?" tanong niya ulit, kinuha ko ang aking bag at tiningnan siya.
"Wala naman kaming pinag-usapan" sagot ko sa kaniya at umalis sa harapan niya.
"Bakit bigla siyang umalis? At isa pa bakit may inabot siyang pera sayo ha?" saad niya ulit.
"Hindi ko rin alam at isa pa hindi ko tinanggap ang pera na inabot niya sa akin" saad ko sa kaniya at binalingan siya ng tingin.
Ngumuso siya at hinawakan ang magkabilang balilat ko "basta Calista ha, kapag pumunta siya ulit dito ibigay mo naman siya sa akin bakit kasi ang ganda mo eh" kinikilig na saad niya at pumikit pa na tila na-iimagine ang mangyayari sa kanilang dalawa ng lalaki na iyon. Tumango nalang ako at ti-nap ang kaniyang ulo.
"Oo na po, sige na aalis na ako maggagabi na kasi" saad ko sa kaniya, tumango siya at niyakap ako ganito talaga siya lagi nang yayakap pero ok lang naman sa akin dahil matagal ko na siyang kilala at may tiwala naman ako sa kaniya. Nagpaalam muna ako sa kaniya bago lumabas ng coffee shop siya na raw kasi ang mag c-close ng shop dahil may tatapusin pa siya.
Habang naglalakad hindi ako mapakali dahil nararamdaman ko na naman na mayroong nakamasid sa akin tumingin ako sa likuran ko at may nakitang isang kotse sa hindi kalayuan, mayroon akong naririnig na kaluskos sisigaw sana ako ng makita ko ang isang pusa na tumatakbo, I sighed akala ko naman kung ano na mabuti nalang talaga mayroong mga street lights dito kaya nakikita ko pa ang daan.
Malapit na sana ako sa bahay na tinitirahan ko ng may bilang kotseng huminto sa gilid ko, huminto ako at tiningnan ko ito aalis na sana ako dahil kinakabahan na ako baka kasi mga kidnappers ito. Nang biglang bumukas ang bintana ng kotse at nakita ko ang isang matandang lalaki na nasa driver seat.
"Hija, pwede bang magtanong?" tanong niya sa akin habang nakangiti, tumango naman ako dahil feeling ko hindi naman siya masamang tao.
"Ano po ba iyon, manong?" sagot ko sa kaniya.
"Gusto ko lang sanang malaman kung saan itong lugar na ito" saad niya habang tinuro ang papel na hinahawakan niya na mayroong sulat ng address at kung anong street ito.
"Dumiretso ka lang po kapag may nakita po kayong bakery kumaliwa po kayo at diretso ulit makikita niyo rin po ang pangalan ng street na iyan" mahabang saad ko sa kaniya at ngumiti.
"Ah ganon ba hija, sige sobrang salamat" nakangiting saad naman ng matanda sa akin. Tumangayo nalang ako maglalakad na sana ng lingunin ko siya dahil parang may sinasabi siya
Kaya pala sobrang mahal na mahal ka ng amo ko, sobrang bait mo at sobrang ganda mo rin pala.
"Yes po manong? May sinasabi po kayo?" kunot noo kong tanong sa kaniya.
"A-ah wala hija ang sabi ko salamat ulit sa tulong mo" ngiting sagot niya sa akin, bumusina muna siya bago pinaandar ang sasakyan. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko dahil malapit naman na ako sa bahay.
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil mayroong announcement sabi ng mga ka-klase ko, buti nalang na-open ko kagabi ang phone ko kaya nabasa ko pa ang mga chats nila.
Nagsangag lang ako at nagluto ng hotdog and egg at nagtimpla ng gatas, hindi ako umiinom ng kape dahil ayaw ko ng lasa kahit na sa coffee shop ako nag ta-trabaho nababanguhan lang ako pero ayaw ko talaga sa lasa. Natapos ako sa pagkain ko at hinugasan at platong ginamit ko nag-toothbrush na rin ako at nag-ayos ng sarili ko bago lumabas ng bahay.
YOU ARE READING
Travis Gage Caddel
RomanceHe's the perfect guy-a true green flag-kind, supportive, and attentive. But his obsession takes things to another level. As he showers her with affection, she starts to question if his love is a blessing or a burden. Can their relationship thrive wi...